2 delivery rider, tinulungan ang 'tri-sikad' na maakyat ang matarik na kalsada sa Cagayan de Oro | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 delivery rider, tinulungan ang 'tri-sikad' na maakyat ang matarik na kalsada sa Cagayan de Oro

ABS-CBN News
Published May 16, 2021 03:30 AM PHT

Ikinatuwa ng mga netizens ang video na kuha ni Alvin Gumobao kung saan makikitang tinulungan ng 2 delivery rider ang isang "tri-sikad" na makaakyat sa matarik na bahagi ng daan sa Cagayan de Oro.

Ayon kay Gumobao, nakasakay siya sa kaniyang motor nang mapansing nahirapan ang isang matandang tri-sikad driver paakyat ng Mastersons Avenue sa Cagayan de Oro, Biyernes ng hapon.

Tinulungan niya ito sa pamamagitan ng pagtulak ng tri-sikad gamit ang kaniyang paa habang sakay sa kanyang motor.

Lumapit din ang dalawang delivery riders at sinabing sila naman ang magtutulak sa tri-sikad.

ADVERTISEMENT
RELATED LINKS:
Dahil dito, nakahanap ng pagkataon si Alvin na kunan ng video ang pagbabayanihan ng mga rider, na mula pa sa magkaibang kompanya.

Pinost nya ito sa social media dahil nakakagaan umano sa loob tingnan ang pagtutulungan ng dalawa.

Umabot na sa mahigit 1,900 ang shares sa video at marami ang nagbigay ng positibong comments at paghanga sa ginawang pagtulong. - Mula sa ulat ni PJ dela Peña

RELATED VIDEO
Read More:
Tagalog News
bayanihan
delivery riders
Grab
foodpanda
food delivery
food delivery riders
Alvin Gumobao
viral video
feel good
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT