VIRAL: Netizens naantig sa kwento ng delivery rider na nagbisikleta mula Maynila hanggang Cavite | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

VIRAL: Netizens naantig sa kwento ng delivery rider na nagbisikleta mula Maynila hanggang Cavite

VIRAL: Netizens naantig sa kwento ng delivery rider na nagbisikleta mula Maynila hanggang Cavite

Josiah Antonio,

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 16, 2021 08:48 PM PHT

Clipboard

Larawan mula kay Michael Jamandre

MAYNILA — Naantig ang publiko sa kwento ng isang rider na nag-deliver ng action figure mula Maynila papuntang Bacoor, Cavite habang sakay lamang ng bisekleta.

Ayon sa Facebook post ni Michael Jamandre, 35, bumili siya online ng action figure at naiinip na dahil wala pa rin ang rider na si Jeffrey Sioson.

Pinangako naman aniya ni Sioson na darating siya at nang makasalubong na ang rider ay naawa dahil naka-bike lamang pala ito.

“Nakita ko s’ya at naintindihan ko na kung bakit ang tagal n’ya, naka-bike lang pala s’ya pag nagdi-deliver,” kwento ni Jamandre sa ABS-CBN News.

ADVERTISEMENT

Nagkamustahan pa ang dalawa at nagbigay pa ng tip si Jamandre sa rider.

“Ah bale nung nagbayad ako ng P500 sabi ko sa kanya ‘yung sukli kasi naawa talaga ako kasi babalik pa daw s’ya ng Binondo uli para kumuha ng order na idi-deliver,” ani Jamandre.

“Ok lang daw kasama raw talaga sa trabaho n’ya un hanggang sa nagpaalam na s’ya at magpi-pick up pa raw kasi s’ya ng item para i-deliver.”

Kwento ni Sioson, 39 anyos, sa ABS-CBN News, simula pa noong Oktubre 2017, ay nagde-deliver na ito ng mga gamit para sa kaibigan na online seller at iba pang kakilala gamit ang bike.

Aniya, nagtitipid kasi siya kaya bike lamang ang gamit niya para maghatid ng mga item at sinusukat ang bayad gamit ang mga ride hailing apps.

“Sinasabihan lang po ng nag-o-online na kaibigan ng mga laruan kapag sinabi ko pong wala akong gagawin magde-deliver,” aniya.

Kumikita si Sioson ng P500 kada araw sa pagdedeliver gamit ang bike. Hindi na niya kasama ang mga magulang at iba niya pang kapatid.

“Wala ho kasi akong maaasahan kung ‘di ako maghahanapbuhay wala po akong kikitain kaya ako nagbabike kasi kailangan kong magtipid,” aniya.

Nagpapasalamat naman si Sioson kay Jamandre at maraming naantig sa kwento niya at nag-abot ng tulong.

Aniya, may nagbigay sa kanya ng bagong mountain bike, ilang mga accessories at tulong pinansyal.

“Masaya po ako at thankful ako sa lahat ng tumulong … nagpapasalamat po ako kung ‘di po dahil sa [kay Michael Jamandre] hindi po bubuhos ang biyaya.”

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.