ALAMIN: Epekto ng vaping sa kalusugan | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Epekto ng vaping sa kalusugan

ALAMIN: Epekto ng vaping sa kalusugan

ABS-CBN News

Clipboard

Editor's Note: May ilang tinatalakay na seksuwal at hindi pambatang paksa ang artikulong ito. Mahalaga ang wastong paggabay sa mga wala pa sa tamang edad o disposisyon para magbasa o umintindi ng ganitong mga bagay.

Ibinabaling ng ilang tumitigil sa pagyoyosi ang kanilang bisyong paghithit sa e-cigarette o vaping dahil sa pag-aakalang mas ligtas ito sa kalusugan.

Pero paalala ng isang doktor, mayroon pa ring nicotine ang e-cigarette na nakasasama sa kalusugan.

"Mayroon din siyang [e-cigarette] nicotine, kaya lang liquid nicotine," paliwanag ni Dr. Lulu Marquez sa kaniyang programang "Private Nights" sa DZMM.

"Vaping still introduces nicotine to your body... Nicotine still creates a wide range of health problems." aniya. "It will increase your blood pressure... it can stimulate your heart, ibig sabihin puwede kang magkaroon ng rapid heartbeat."

ADVERTISEMENT

Dagdag pa ni Marquez, kahit nawala ang usok na karaniwan sa pagyoyosi, hindi pa rin naman tuluyang nawala ang ilang negatibong epekto sa kalusugan ng nicotine mula sa vaping.

"It could even raise blood fat levels and it will actually constrict your blood vessels... you will have hypertension," ani Marquez.

Maaari rin aniyang makaapekto ang vaping sa pagtatalik ng mag-asawa.

"The erection of the penis and the erection of the clitoris [are] caused by a very, very good microcirculation... if you smoke... hindi mag-e-erect 'yan," paliwanag ng doktor.

"If a man has penile erection, a woman should also have clitoral erection for her to reach her orgasm."

ADVERTISEMENT

Katunayan, puwedeng magdulot ang vaping ng cancer at naiibang uri ng sakit sa baga.

"'Evening Standard' [study] found that the nicotine in vaping steam could actually contribute to an increased risk in cancer," pagbasa ni Marquez sa ilang pag-aaral.

"From the Harvard School of Public Health... vaping may cause a rare lung disease... chemicals in e-cigarette caused popcorn lung... that's how they call it. It's a rare respiratory disease previously most commonly recorded in those working in popcorn factories."

Kahit din masarap o mabango ang flavors na puwedeng masubukan sa vaping, may kaukulan pala itong negatibong epekto sa kalusugan.

"Yummy flavors can cause significant inflammation, namamaga 'yong lung tissue mo," sabi ni Marquez.

ADVERTISEMENT

"Cinnamon [flavor] can affect the immune system... 'yong iyong white blood cells, 'yong sundalo ng katawan mo na nagpo-protect sa'yo sa hindi magiging masakitin ay bumababa."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.