Pagyoyosi, may negatibong epekto sa pagtatalik?

ABS-CBN News

Posted at Apr 08 2018 11:00 PM

Editor's Note: May mga tinatalakay na seksuwal at hindi pambatang paksa ang artikulong ito. Mahalaga ang wastong paggabay sa mga wala pa sa tamang edad o disposisyon para magbasa o umintindi ng ganitong mga bagay.

Tila naging bahagi na raw ng pagtatalik ng ilang mag-asawa ang paghithit ng sigarilyo bago o matapos ang mismong pagniniig.

"When you make love, you could be satisfied and then both of you are smoking or another reason could be, buwisit ka, na-stress ka, di ka nag-climax, nanigarilyo ka," ani Dr. Lulu Marquez sa kaniyang programang "Private Nights" sa DZMM.

Pero nagbabala ang doktor sa maaaring epekto ng pagyoyosi hindi lang sa kalusugan, kundi sa enerhiya ng isang tao habang nakikipagtalik.

"I have to tell you, if you want better sex, you have to stop or quit smoking," aniya.

Paliwanag ni Marquez, puwedeng magdulot ang paninigarilyo ng erectile dysfunction o problema sa kakayahan ng ari ng lalaki na tumigas o manatiling matigas kapag nakikipagtalik.

"Ang paninigarilyo kasi can affect your circulatory system, specifically your blood supply... particulary your arteries," aniya. "Remember, mayroon pong study, 20 years kang nag-smoke, it will damage most of your arteries."

"Kapag hindi na nag-erect 'yan [penis], it's because the blood supply is poor. When you're smoking, nako-compromise ang oxygen supply mo. It damages your arteries. If it does that, hindi na 'yan mag-e-erect," sabi ni Marquez.

Maliban sa erectile dysfunction, maaari rin aniyang makabaog ang paninigarilyo dahil nababago nito maging ang mismong anyo ng sperm gayundin ang kakayahan nitong makalangoy papunta sa reproductive organ ng babae.

"Mayroon ditong study: smoking has a direct negative effect on the sexuality of a man on every level. Ibig sabhihin, smoking can cause impotence, smoking can cause erectile dysfunction, it can cause decreased sperm count. It can cause... 'yong sperm motility, ang bilis ng takbo ng sperm, babagal," paliwanag ni Marquez.

"If you want to have a healthier baby, stop smoking."

Bukod sa epekto sa pagtatalik, masama rin ang dulot ng paninigarilyo sa mismong kalusugan ng tao.

"Tuloy-tuloy daw na naninigarilyo, it can add up to a 22 percent increased risk of cataract extraction, according to one study," sabi ni Marquez.

"May carbon monoxide ang sigarilyo, what does it do? It will displace the oxygen in your skin. Tapos, the nicotine which will actually reduce the blood supply or blood flow, it will leave the skin dry and discolored. Tsaka 'yang sigarilyo na 'yan will deplete many nutrients... [like] Vitamin C. Remember Vitamin C is very important, it will protect and it will actually repair skin damage."

Sabi rin ni Marquez, sa loob pa lang ng 20 minutong pagtigil sa paninigarilyo ay mararamdaman na agad ang pag-igi ng lagay ng kalusugan.

"In 20 minutes, 'yong tao ay magre-regain ng normal blood pressure and heart rate... in eight hours, the carbon monoxide and the oxygen in the blood stream return to normal levels... after three days, 'yong hininga mo at 'yong energy levels mo, mag-iimprove," sabi ni Marquez.

Kapag naman ginawang pangmatagalan na ang pagtigil sa pagyoyosi, bumababa ang tsansang atakihin sa puso, ma-stroke, o kaya'y magkaroon ng cancer.

"In three months, 'yong lung function mo nag-iimprove... in one year, the risk of heart attack ay mababawasan by 50 percent," sabi ni Marquez.

"In five years, the risk of stroke becomes the same as that of a non-smoker... In 10 years, 'yong risk of lung cancer, is reduced between 30 percent and 50 percent. The risk of having cancer of the mouth, of the throat, of the esophagus, of the cervix, of the bladder, and the pancreas, decreases."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.