Vhong Navarro, ibinahagi ang hiling ngayong Pasko | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Vhong Navarro, ibinahagi ang hiling ngayong Pasko

Vhong Navarro, ibinahagi ang hiling ngayong Pasko

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA -- Hindi nalalayo sa kanyang karakter sa pinagbibidahang pelikula na "Mang Kepweng: Ang Lihim na Bandanang Itim" ang hiling ng komedyante at host na si Vhong Navarro ngayong Pasko.

Sa bloggers' conference nitong Martes, ibinahagi ni Navarro na ang bakuna kontra coronavirus ang hiling niya para sa lahat ng Filipino.

"Yung Christmas wish ko sana ay magkaroon tayo ng vaccine. At sana lahat din ay mabigyan para lahat tayo ay maging safe na," ani Navarro na aminadong nangangamba pa rin sa papasok na taon dahil sa pandemya.

"Kasi natatakot ako baka 2020 matapos na 'yung taon, 2021 baka nandito pa rin si COVID. So dapat tuluyan na siyang umalis sa ating bansa, sumama na siya kay 2020," dagdag ni Vhong.

ADVERTISEMENT

Mayroon na ngayong higit 460,000 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa "Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim," muling gagampanan ni Navarro ang bidang karakter na isang albularyo. Isa ito sa 10 opisyal na kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2020.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Tampok din sa bagong "Mang Kepweng" sina Jaclyn Jose, Barbie Imperial, Ritz Azul, Joross Gamboa, Fumiya Sankai, Yamyam Gucong at Ryan Bang sa direksiyon ni Topel Lee.

Magsisimula mapanood online ang mga kalahok sa MMFF 2020 sa Araw ng Pasko sa pamamagitan ng Upstream.ph.

Related video:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.