Janine Gutierrez, nag-fan girl kay Sarah Geronimo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Janine Gutierrez, nag-fan girl kay Sarah Geronimo

ABS-CBN News
Published Dec 16, 2022 01:43 PM PHT

MAYNILA -- Kinagiliwan ng netizens ang isang video kung saan kita ang pagiging tagahanga ni Janine Gutierrez kay Sarah Geronimo.

Sa TikTok video na ibinahagi ni Darla Sauler nitong Huwebes, makikitang nahihiya pa si Gutierrez na magpakuha ng retrato kay Geronimo na inaayusan para sa isang production number.

Ayon kay Gutierrez, nagkakakilala na sila ni Geronimo at nais niya na magkaroon ng retrato kasama ito.

Kita rin sa video kung paanong tinutulungan ni Maymay Entrata na ilapit si Gutierrez kay Geronimo.
Kita rin sa video kung paanong tinutulungan ni Maymay Entrata na ilapit si Gutierrez kay Geronimo.
ADVERTISEMENT
Sa huling bahagi ng video ay makikitang magkasamang nagpakuha na ng retrato sina Gutierrez at Geronimo.

Nito Lamang Linggo ay muli nang nagbalik sa "ASAP Natin 'To" si Geronimo.

Samantala, nakatakda namang bumida si Gutierrez sa inaabangang serye ng ABS-CBN na "Dirty Linen" kasama sina Zanjoe Marudo, Francine Diaz at Seth Fedelin.

Kaugnay na video:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT