PANOORIN: Reksiyon ni Jodi Sta. Maria, mga direktor sa trailer ng 'The Broken Marriage Vow' | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PANOORIN: Reksiyon ni Jodi Sta. Maria, mga direktor sa trailer ng 'The Broken Marriage Vow'

ABS-CBN News
Published Dec 15, 2021 02:45 PM PHT
|
Updated Dec 15, 2021 02:55 PM PHT

MAYNILA -- "Nanginginig ako."
MAYNILA -- "Nanginginig ako."
Ito ang reaksiyon ng aktres na si Jodi Sta. Maria matapos mapanood sa unang pagkakataon ang full trailer ng inaabangang serye ng ABS-CBN na "The Broken Marriage Vow."

Nitong Miyerkoles sa Facebook ay inilabas ng prodyuser ng programa na Dreamscape Entertainment ang opisyal na trailer ng serye.

Isang video rin ang inilabas kung saan ipinakita ang reaksiyon ng mga direktor at mga bituin ng serye sa trailer.

ADVERTISEMENT
"Grabe hindi ko in-expect na ganoon kasi siyempre kapag isa-isa mo ginawa ang eksena, tapos kapag pinut together na parang ... nanginginig ako," ani Sta. Maria na ginagampanan ang bidang karakter na si Dr. Jill Ilustre.

Sa trailer, ipinakilala na ang mga karakter sa serye na susundan ang buhay ni Dr. Jill, isang mapagmahal na asawa at ina na masisira ang pamilya dahil sa panloloko ng kanyang mister.

Si Zanjoe Marudo ang gaganap sa papel na David Ilustre, mister ni Dr. Jill (Sta. Maria) na magkakaroon ng relasyon sa ibang babae (Sue Ramirez).

Si Gio, ang anak nina Dr. Jill at David, ay gagampanan naman ni Zaijian Jaranilla.

Sa ilalim ng direksiyon nina Connie Macatuno at Andoy Ranay, mapapanood ang "The Broken Marriage Vow" ngayong Enero 2022 sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, TV-5, IwantTFC.

"Naiiyak ako kanina, nakakakilabot. Ang galing mo Jodi!" ani Macatuno matapos mapanood ang trailer.

"Yeah, it's breathtaking," hirit naman ng direktor na si Andoy Ranay.
Base ang "The Broken Marriage Vow" sa sikat na serye ng BBC na "Doctor Foster."

Related videos:
Read More:
The Broken Marriage Vow
Dreamscape Entertainment
Jodi Sta. Maria
Zanjoe Marudo
Sue Ramirez Doctor Foster
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT