PANOORIN: Kasama ang housemates, Alyssa Valdez muling nakapaglaro ng volleyball | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PANOORIN: Kasama ang housemates, Alyssa Valdez muling nakapaglaro ng volleyball

PANOORIN: Kasama ang housemates, Alyssa Valdez muling nakapaglaro ng volleyball

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

“Nakaka-miss. Shucks.”

Ito na lamang ang nasambit ng kilalang volleyball star na si Alyssa Valdez nang muling makapaglaro ng volleyball sa “Pinoy Big Brother.”

Mula nang pumasok sa Bahay ni Kuya, matagal na hindi nakapaglaro ang atleta. Huli itong nasaksihan ng mga manonood sa Premier Volleyball League kung saan nagtapos ang mga ito ng first runner-up.

Dahil napansin na rin ni “Kuya” na may interes ang mga housemates sa volleyball, pinayagan niya ang mga ito na maglaro sa activity area na mayroong net.

ADVERTISEMENT

Tinuruan ni Valdez ang mga kasamahan sa tamang pag-receive, pag-set, at pagpalo ng bola. Nagpa-sample rin ito ng kaniyang spike sa isport na higit na nagpatanyag sa kaniyang pangalan.

Ang nasabing laro rin ang isa sa mga huling bonding ng mga celebrity housemate kasama ang bagong evictees na sina TJ Valderrama at Karen Bordador.

Muling nailigtas sa nominasyon ang manlalaro mula sa Ateneo de Manila University matapos manalo sa huling weekly task ang kanilang grupo sa pagkakaroon ng mas mataas na tore ng wooden blocks.

Noong Nobyembre, hindi napigilan ni Valdez na maluha nang mapanood ang mensahe sa kaniya ng nobyong si Kiefer Ravena.

“It's nice to see the other side of you. I'm sure maraming natutuwa. Lahat kami natutuwa. Marami kang napapatawa. Marami kang napapasaya. Lagi mo lang tatandaan, maraming, maraming sumusuporta sa 'yo,” saad ng basketbolista na nasa Japan.

“Nandito lang kami sa likod mo, in your journey. Mahal na mahal ka namin. Louie, Blake, and Rocky, they all miss you. Ingat ka palagi. We miss you. Galingan mo diyan. Finish strong. Kayang-kaya mo 'yan, ikaw pa.”

Napapanood ang “PBB” araw-araw sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, iWantTFC, at TFC, at mayroon din itong 24/7 livestreaming sa Kumu.

Related video:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.