Celebrity housemates, bumuhos ang luha sa tumitinding kompetisyon sa ‘PBB’ | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Celebrity housemates, bumuhos ang luha sa tumitinding kompetisyon sa ‘PBB’

Celebrity housemates, bumuhos ang luha sa tumitinding kompetisyon sa ‘PBB’

ABS-CBN News

Clipboard

Mula sa Kapamilya Online Live
Mula sa Kapamilya Online Live

Muling bumuhos ang mga luha ng ilang celebrity housemates sa pagpapatuloy ng kanilang weekly task sa “Pinoy Big Brother” na sumusubok sa samahang nabuo sa loob ng Bahay ni Kuya.

Nitong Huwebes, muling nagtapat ang dalawang grupo para sa larong tug-of-war na magdadagdag ng wooden blocks sa mananalo.

Matapos ang tatlong round, nakuha ng blue team na binubuo nina Alyssa Valdez, Eian Rances, TJ Valderrama, Karen Bordador, Alexa Ilacad, at Jordan Andrews ang panalo kung saan binawasan nila ng 150 blocks ang kabilang grupo.

Sa simula’y tila tinanggap pa ng yellow team ang pagkatalo ngunit nang unti-unti nang binabawasan ang naitayo nilang tore, hindi na napigilan pa ni Brenda Mage na tumalikod at humagulgol.

ADVERTISEMENT

“Habang kinukuha nila 'yung blocks namin, masakit kasi 'yung blocks na 'yun hindi madali napunta sa 'min. Kahit isang piraso dun ay pinaghirapan ng buong grupo,” pag-amin ni Brenda.

Mapapansin naman na hindi rin komportable ang nanalong grupo sa pagkuha ng blocks sa katunggaling koponan dahil napaluha na rin sina Rances at Andrews.

Watch more in iWantv or TFC.tv

“Nakikita rin namin na 'yung kumuha labag din sa puso nila. Kasi alam namin na kahit itong larong ito ay palamangan, pabilisan... alam namin na nangingibabaw pa rin sa puso namin na magkakapatid kami dito sa bahay mo,” dagdag pa ni Brenda.

Sinubukan namang kausapin ni Madam Inutz ang kagrupo at ipinaalala na laro lamang iyon at maaari pa rin silang makapag-focus sa task.

Dumiretso naman sa loob ng kuwarto sina Andrews at Rances na labis ding naapektuhan kahit na nanalo sa laro.

“'Pag sila naman 'yung nanalo, maiintindihan natin sila di ba? Hindi pwedeng tayo 'yung kainin ng sistema. Ganito talaga,” paalala ng umiiyak na si Rances kay Andrews.

“'Yung saya nila nawala dahil sa 'tin,” sagot naman ni Andrews.

Kinausap din nina Ilacad at Valdez ang mga kasamahan upang ipaunawa sa kanila na ganoon talaga ang resulta ng mga laro.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ayon kay Ilacad, hindi dapat isipin ni Rances na galit sa kaniya ang kabilang grupo dahil nanalo sila sa tug-of-war.

“Binigay ng both teams lahat kaya wala tayo dapat ikalungkot. Binigay din nila lahat. Sa game na ito, tayo ang nanalo. May reward,” sambit naman ni Valdez.

Ang grupo na mananalo sa nasabing weekly task na pataasan ng tore ay magkakaroon ng immunity sa susunod na nominasyon.

Napapanood ang “PBB” araw-araw sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, iWantTFC, at TFC, at may 24/7 livestreaming sa Kumu.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.