‘Tawag ng Tanghalan’ Grand Winner Reiven Umali di makapaniwala sa pagkapanalo | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
‘Tawag ng Tanghalan’ Grand Winner Reiven Umali di makapaniwala sa pagkapanalo

ABS-CBN News
Published Sep 18, 2021 06:43 PM PHT
|
Updated Sep 19, 2021 02:36 AM PHT

MAYNILA—Itinanghal na Grand Winner ng "Tawag ng Tanghalan" Season 5 ang 19-anyos na si Reiven Umali nitong Sabado.

Tagos-pusong mga awitin ni Moira ang kinanta ni Umali para sa kaniyang number sa Top 3.

Nakaharap niya ang 2nd place na si Adrian Manibale na umawit ng medley ng Ben&Ben hits, at 3rd-placer na si Anthony Castillo na bumirit ng Whitney Houston classics.

Sa panayam kay Umali matapos ang programa, sinabi niyang tinatanong pa rin niya ang staff kung siya ba talaga ang nanalo.

ADVERTISEMENT
"Lutang pa rin po talaga. Hindi pa rin ako makapaniwala na ako 'yung nag-champion. Sobrang fan na fan po ako ng 'TNT' mula pa po nu'ng Season 1, kaya nu'ng ako 'yung nag-champion, hindi po ako makapaniwala," ani Umali.

Aminado siyang matinding kalaban sina Manibale at Castillo.

"Sobrang galing po nila sa technical, at sa emotions po din, kaya sobrang hirap nilang kalaban," ani Umali.

Ipinakita niya na malayo ang mararating ng taong may determinasyon.

Natalo siya sa "Tawag ng Tanghalan" noong 2018 at hindi inikutan ng mga coach sa "The Voice" noong 2019, pero hindi sumuko si Umali.

"Huwag po silang titigil sa pagkanta, dahil po ako naranasan ko na po na-reject. Actually hindi na po talaga ako sasali dito sa 'TNT' kasi after ng 'The Voice' ko, di po inikutan, parang ayaw ko na po," ani Umali.

Cash prize, bahay, lupa, management at recording contract ang napanalunan ni Umali.

Sasalang naman siya sa Linggo sa "ASAP Natin 'To" at isa sa ultimate dream niya ang maka-duet si Sarah Geronimo.

-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT