Janella Salvador, tinanggap ang bagong proyekto dahil kay Mutya Orquia | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Janella Salvador, tinanggap ang bagong proyekto dahil kay Mutya Orquia

ABS-CBN News
Published Sep 02, 2021 11:48 AM PHT

MAYNILA -- Aminado si Janella Salvador na isa si Mutya Orquia sa dahilan kung bakit pumayag siyang gawin ang "Barter," ang ika-apat na episode sa pangalawang season ng orihinal na drama anthogoy ng iWantTFC na "Click, Like, Share."

Matatandaang nagkasama ang dalawa sa seryeng "Be Careful with My Heart" na nagtapos noong 2014.

Sa "Inside News" ng Star Magic, ibinahagi ni Salvador ang nararamdaman sa pagbabalik niya sa pag-arte, halos isang taon matapos niyang isilang si baby Jude, anak nila ng nobyong si Markus Paterson.

"Medyo kinabahan ako kasi siyempre ang focus ko talaga ay puro si Jude. But I had to prepare myself mentally. Siguro ang similarities namin (ng character ko) ay may maternal instinct 'yung character ko. At perfect kasi nakuha ko itong role na ito ngayong mom na ako. So the maternal instinct came naturally. 'Yung pagiging maalaga, protective and stuff like that," dagdag ni Salvador.
"Masaya rin ako kasi nakasama ko rito si Mutya ulit. Nag-reunion kami since 'Be Careful with My Heart' and she's my little sister again dito sa 'Click, Like, Share.' Sobrang saya kasi ang tagal na naming hindi nagkasama tapos nakita ko, parang nag-catch up kami. Actually 'yon 'yung isa sa mga reason kung bakit ko tinanggap 'yung project. Kasi I wasn't really sure if I was ready to act na talaga," dagdag ni Salvador.

Sa direksiyon ni Manny Palo, iikot ang kuwento ng "Barter" sa isang online seller (Salvador) na siya ring nag-aalaga at nagtataguyod sa kanyang kapatid na gagampanan naman ni Orquia.

At ngayong balik-showbiz na si Salvador, iginiit nito na mas nais niyang bigyan ng priyoridad ang pag-awit.

"Gusto ko mag-focus more on my music din. Of course, I still want to act. Pero kung babalik man ako ngayon as an artist I want to focus din on my music. 'Di ko masyadong nabigyan ng pansin when I last left it. Coming from 'Killer Bride,' which was a really good show mas nag-focus ako noon sa acting. So ngayon gusto ko ring mag-focus sa music ko," ani Salvador na masaya na natututukan ang paglaki ng anak niya.

Magsisimula sa Setyembre 3 ang ikalawang season ng "Click, Like, Share" sa iWantTFC app na mapapanood tuwing Biyernes, alas otso ng gabi.

Maliban kay Salvador, bibida rin sa Season 2 sina Maymay Entrata, Tony Labrusca, Barbie Imperial at Jerome Ponce.

Related video:
Related video:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT