Jolo Revilla, ibinahagi ang panalangin para sa amang si Bong Revilla | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Jolo Revilla, ibinahagi ang panalangin para sa amang si Bong Revilla

ABS-CBN News
Published Aug 19, 2020 11:10 AM PHT

MANILA -- Ibinahagi ni Jolo Revilla ang kanyang panalangin para sa kanyang ama na si Senador Ramon "Bong" Revilla Jr. na nag-positibo sa coronavirus.

Kasunod ito nang pagkumpirma ng ina ni Jolo na si Bacoor Mayor Lani Mercado na isinugod sa ospital nitong Martes ang kanyang asawa at lumabas sa resulta sa X-ray nito ang pagkakaroon ng pneumonia.

Sa kanyang Instagram post nitong Martes ng gabi, ibinahagi ni Jolo ang kanyang dasal hindi lamang para sa ama kung hindi para sa lahat na apektado ng pandemya.

"Panginoon, Kayo ang aming sandigan at pinagmumulan ng ibayong lakas upang mapagtagumpayan ang pinakamalaking hamon ng aming panahon. Itinataas namin sa Inyo ang aming bansa, at ang lahat ng aming mga kababayan na nagdurusa ng dahil COVID-19. Sa Inyong banal na dugo, balutin po Ninyo ang aming frontliners upang patuloy nilang gampanan ang kanilang tungkulin ng hindi nalalagay sa alanganin ang kanilang sariling kaligtasan. Ipinapanalangin din po namin ang lahat ng indibidwal na kasalukuyang pinahihirapan ng sakit na ito, upang sa agad silang gumaling at bumalik sa piling ng kani-kanilang pamilya," bungad na panalangin ni Jolo.

Dasal din Jolo, ang kasalukuyang bise gobernador ng Cavite, na huwag pabayaan ng Diyos ang kanyang ama at tuluyan na itong gumaling para muli nilang makasama.

"Itinataas rin po namin sa Inyo ang agarang paggaling ng aking Papa na si Senator Ramon Bong Revilla, Jr. Lubos po kaming nananampalataya na hindi Ninyo siya pababayaan at tuluyang pagagalingin upang muli namin siyang makapiling, maging ng aming mga kababayan na kanyang pinaglilingkuran. Tanging Kayo lamang ang aming Tagapagligtas, kaya patuloy kaming mananampalataya sa Inyo. Malaki man ang hamon na aming kinakaharap dahil sa COVID-19, mas malaki at mas makapangyarihan pa rin ang aming Diyos na Tagapagligtas. Amen," ani Jolo.

Sa naunang pahayag ni Jolo, sinabi niyang asymptomatic ang kanyang ama, samantalang ang ina naman nila at iba pang miyembro ng kanilang pamilya ay nag-negatibo sa virus.

Sumailalim sa pagsusuri ang senador at ang kanyang pamilya matapos na mag-positibo ang isa sa kasamahan nila sa bahay.

Noong Marso, isang staff ni Reviilla ang namatay dahil sa COVID-19.