Jolo Revilla, hiling ang dasal para sa amang si Bong Revilla Jr. na may COVID-19

ABS-CBN News

Posted at Aug 10 2020 11:17 AM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jolo Revilla (@jolo_revilla) on

MAYNILA -- Panalangin ang hiling ng aktor at politikong si Jolo Revilla para sa kanyang amang senador na si Ramon "Bong" Revilla Jr. na nag-positibo sa coronavirus.

Ibinahagi ni Jolo ang hiling sa kanyang post sa Facebook nitong Linggo. 

Ayon kay Jolo, ang kasalukuyang bise gobernardor ng Cavite, asymptomatic ang kanyang ama, samantalang ang ina naman nilang si Lani Mercado at iba pang miyembro ng kanilang pamilya ay nag-negatibo sa virus.

'Malaki po ang magagawa ng ating pinagsama-samang panalangin. Ngayon pa lang, taos puso na po kaming nagpapasalamat sa inyong panalangin at pagmamahal!" ani Jolo.

Sumailalim sa pagsusuri ang senador at ang kanyang pamilya matapos na mag-positibo ang isa sa kasamahan nila sa bahay. 

Noong Marso, isang staff ni Reviilla ang namatay dahil sa COVID-19. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.