'Sobra gwapo ko': Luis Manzano, isa nang recording artist | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Sobra gwapo ko': Luis Manzano, isa nang recording artist

'Sobra gwapo ko': Luis Manzano, isa nang recording artist

ABS-CBN News

Clipboard

Screengrab mula sa YouTube

"Naiyak kami kakatawa."

Ganito ang isa sa mga komento sa bagong kanta ng host na si Luis Manzano na pinamagatang "HOW 2BU (Ang Gwapo Po)," na inilabas niya sa YouTube nitong Huwebes.

Kinaaliwan ng maraming netizens ang pinakaunang awitin ni Manzano na tungkol sa pagiging magandang lalaki nito.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kilala sa mga nakakatawang hirit, pabirong sinabi ni Manzano na siyam na taon umano binuo ng maraming tao ang nasabing kanta.

ADVERTISEMENT

"After 9 years of working with the brightest minds in the world and 3 planets, lalabas na po ang unang kanta ko," kwelang hirit ng host.

Bago pa opisyal na ilabas ang kanta, pabirong nagbabala pa si Manzano sa kanyang mga tagahanga na magdala ng tissue kapag pinanood ang kanyang music video dahil sa "emosyon" na maaaring ibigay nito.

"Advice na lang, magtabi ng tissue habang nanonood because the emotions are powerful," sambit niya sa Instagram.

Sa isa pang post, naglabas ng TikTok dance challenge si Manzano para sa kanyang bagong kanta.

"Grabe ang ganda ng pagkakanta mo. Halatang classically trained. Aral. #Tenor," komento ng kaibigan ni Luis at singer na si Nikki Gil.

"Pang world-class!" dagdag pa ng komedyante na si Wacky Kiray.

Sumang-ayon naman si Robi Domingo sa lyrics ng kanta na may itsura si Manzano.

"Ang gwapo mo!" saad ni Domingo.

Umabot na sa higit 40,000 views ang nasabing video sa YouTube, halos isang araw simula nang ilabas ito.

Related videos:

Watch more in iWantv or TFC.tv

Watch more in iWantv or TFC.tv

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.