Unang album ni Maymay, may Gold Record award agad | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Unang album ni Maymay, may Gold Record award agad

ABS-CBN News
Published Jun 26, 2017 11:15 PM PHT

MANILA -- Wala pang isang linggo ang nakalipas nang i-launch ng "Pinoy Big Brother Lucky 7" big winner na si Maymay Entrata ang kanyang kauna-unahang album.

Ayon kay Entrata, matagal na niya talagang pangarap maging singer. High school pa lamang siya nang mag-umpisa siyang mag-compose ng kanta.

"Noon po kasi parang pa char-char lang na compose, compose at pagkanta pero ngayon bigla na ibinigay sa akin. Masayang-masaya po ako sobra talaga, lalo na sa mga na-inspire sa buhay ko talaga, kaya natupad din 'yung mga ultimate dreams ko din," aniya.

Ni-launch ng Star Music ang self-titled album ni Entrata noong June 21 sa Skydome ng SM City North EDSA. Todo supporta ang fans ng dalaga, at agad silang pumila sa unang araw pa lamang ng labas ng album.

Kaya naman wala pang isang linggo matapos itong i-launch, nabigyan na agad ang album ng Gold Record award mula sa Star Music.

Sa Instagram ni Entrata, taos-puso niyang pinasalamatan ang Star Music sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataong matupad ang kanyang "ultimate dream."

"Kung ano ang naabot ko, ito'y para po sa inyo. Mahal na mahal ko po kayo," dagdag pa niya.

Noong nakaraang buwan, isang bonggang surprise birthday party ang inihanda ng mga fans at supporters kay Entrata.

Dinaluhan ito ng kanyang mga "PBB" batchmates, at siyempre ng kanyang on-screen partner na si Edward Barbers.