Maymay, naglabas ng unang album

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Jun 22 2017 11:47 AM | Updated as of Jun 22 2017 12:28 PM

(UPDATED) Hindi akalain ni Maymay Entrata na pagkatapos ng "Pinoy Big Brother," isa-isang matutupad ang kanyang pangarap.

At ang pinaka-espesyal dito ay ang pagiging singer.
 
"Noon po kasi parang pa char-char lang na compose, compose at pagkanta pero ngayon bigla na ibinigay sa akin. Masayang-masaya po ako sobra talaga, lalo na sa mga na-inspire sa buhay ko talaga, kaya natupad din 'yung mga ultimate dreams ko din," ani Maymay.

Ni-launch ang debut album ni Maymay sa Skydome ng SM North EDSA nitong Miyerkules.

Malapit ang musika sa puso ni Maymay. Sa katunayan, estudyante pa lang siya ay mahilig na siyang gumawa ng mga kanta.

"Noon po kasi nagka-crush po ako, talagang crush ng campus. Hindi ko siya maabot-abot kaya kino-compose ko na lang," ani Maymay.

Sasabak na rin si Maymay sa una niyang teleserye na "La Luna Sangre." Nakapag-taping na siya pero secret daw muna ang kanyang character.
 
"Nag-taping na po kami. Basta huwag po sila mag-expect ng kung ano, imortal ba ako, basta masaya po ang character ko dito," ani Maymay.
 
​May check list na rin si Maymay ng kanyang mga goal sa buhay.
 
"Dapat 'di tayo mag-stop mag-set ng goal sa buhay natin para kapag nagtatrabaho tayo may momentum tayo, mas nai-inspire tayo na maabot ang gusto natin," ani Maymay.

Nakalinya na rin niyang gawin ang pelikulang "Loving in Tandem" kung saan makakasama niya ang kanyang ka-love team na si Edward Barber.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.