TINGNAN: Sweet moments ng MayWard sa birthday bash

ABS-CBN News

Posted at May 09 2017 05:46 PM | Updated as of May 09 2017 11:21 PM

Nagyakapan sina Maymay Entrata at ka-love team nito na si Edward Barber matapos nilang mag-slow dance sa surprise birthday party para kay Maymay sa Conrad Hotel, Manila noong Lunes, May 8. 

 

Edward and Maymay's hugging moment #MaymayGlamorousAt20 #MaymayAt20

A post shared by Push (@pushalerts) on

Tila prinsesa ang 'Pinoy Big Brother' winner sa kanyang kumikinang na pulang gown na gawa ni Daniel Manila. 

Maluha-luha naman si Maymay habang naglalakad siya sa red carpet, kung saan siya sinasalubong ng fans at in-escort ni Edward, na siya namang nagbigay ng isang bouquet ng bulaklak. Ayon kay Maymay, ito na umano ang pinakamaligaya niyang kaarawan.

Inorganisa ng mga fans ni Maymay ang sorpresang pagdiriwang. Hollywood glam ang tema ng party, kaya naman glamorosa ang setup ng venue. 

Maliban sa fans, dinaluhan din ito ng kanyang lola Lorna, mga kapamilya mula Cagayan de Oro, at pinakamatatalik na kaibigan kabilang na ang mga housemates niya sa Pinoy Big Brother house na sina Jinri Park, Elise Joson, Hashtag Macoy, at iba pa.

LOOK: 'PBB' housemates reunite for Maymay's birthday

[LINK TITLE to: http://news.abs-cbn.com/entertainment/05/08/17/look-pbb-housemates-reunite-for-maymays-birthday]

Sa kabila nito, nananatili namang nakaapak sa lupa si Maymay sa tugatog ng kanyang kasikatan.

“Sobrang blessing ito at pagmamahal, alam ko naman na temporary ang lahat nang 'to pero habang andiyan, paghuhusayan ko at magbibigay kasiyahan ako sa mga fans na dahilan kung bakit andito ako,” aniya. 

Nagpasalamat naman si Maymay sa mga fans.

''Binabalik ko lang 'yung pasasalamat ko sa kanila, kaya para naman po ito sa kanilang lahat. Masayang-masaya ako at napaka-blessed ko na may mga fans akong ganyan na sobrang malaki ang puso nila para maibigay yung support nila nang buo sa akin,'' ani Maymay. 

Natawa naman si Maymay sa mga birong puwede siyang hubugin bilang beauty queen sa suot niyang Daniel Manila gown. 

“Waaah! Mag-aaral muna ako mag-English,” sabi niya. 

Pag-arte talaga ang priority ni Maymay na umaasang magiging inspirasyon pa din siya ng mga kabataang umangat sa mga dagok ng buhay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.