Vice Ganda tinalikuran ang pag-inom, paninigarilyo dahil kay Ion Perez | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Vice Ganda tinalikuran ang pag-inom, paninigarilyo dahil kay Ion Perez

Vice Ganda tinalikuran ang pag-inom, paninigarilyo dahil kay Ion Perez

ABS-CBN News

Clipboard

Mula sa Instagram ni Vice Ganda

Taas noong ipinagmalaki ng komedyante at host na si Vice Ganda na masaya ang puso niya sa piling ng nobyo na si Ion Perez at ipinagpapasalamat niya ito sa Diyos.

Sa panayam sa dati nitong manager na si Ogie Diaz, ikinuwento ni Vice ang saya na naibibigay ni Perez sa kaniya lalo na ngayong pandemya kung saan dumaan siya mga pasubok sa personal niyang buhay.

“Ang saya ng puso ko. Masaya kami ni Ion. Masaya ako kay Ion. Masaya ako sa relationship namin and every day I say thank you to God. 'Ang bait mo binigyan mo ako ng ganito.' Paano kung wala 'to?’” ani Vice.

Kuwento ng “It’s Showtime” host, si Perez ang nagpapakalma sa kaniya sa tuwing nalulungkot siya sa buhay at minsa’y naiiyak sa mga pinagdadaanan.

ADVERTISEMENT

“Si Ion kasi hindi masalita pero kapag tumitingin siya akin tapos nakita ko na siya, kumakalma na ako. Pinakalma niya 'yung buhay ko,” pahayag nito.

Dagdag pa ng komedyante, tinalikuran na niya ang paninigarilyo, pag-inom at gumimik kagaya ng mga nakasanayan niya noon, nang dumating sa buhay niya si Perez.

Ayon sa kaniya, sapat na sa kaniya na makita si Perez at hindi na kailangan pang lumabas-labas.

“Dati di ba gabi-gabi nga rampa ako ng rampa, so tinalikuran ko 'yun. Pati paninigarilyo ko tinalikuran ko. Pag-inom, hindi na rin ako umiinom di ba? Hindi na ako gumi-gimik. Si Ion lang sapat na, totoo 'yun. Sapat na ako kay Ion na nagtatrabaho ako nandiyan si Ion nakikita ko siya, okay na ako, hindi na ako rarampa,” pag-amin nito kay Diaz.

Ngunit aminado rin si Vice na iba ang sitwasyon ngayong pandemya kaya naman hinahayaan niyang paminsan-minsa’y lumabas si Perez upang magbisikleta o pumunta sa mga bundok upang makahinga rin.

Sa nasabing panayam, ibinahagi rin ni Vice na host ng pinakabagong game show na “Everybody, Sing!”, wala siyang planong gumawa ng kahit anong ikasisira ng kanilang relasyon lalo na ang mga walang kwentang dahilan.

“This relationship is so valuable to me right now kaya iniingatan ko siya. As much as possible hangga't kaya ko hindi ako papayag na magbukas ng pinto sa ano mang magdi-delikado sa amin hangga't kaya ko. Kung makakaapekto 'yan sa amin at wala rin namang kakwenta-kwenta 'yan, hindi ko na papayagan,” saad niya.

Inamin din ni Vice na minsan na niyang nasaktan ang nobyo kaya naman ayaw na nitong maulit ito.

Naikwento rin nito na kinailangan niyang dalhin ang kaniyang nanay at kapatid na babae sa bahay nila Ion sa Tarlac noon, nang may hindi sila napagkasunduan.

Bagamat hindi idinetalye ni Vice ang naging problema nila ni Perez, sinabi niya na isinama niya ang magulang at kapatid upang sila ang magpaliwanag sa kasintahan ng totoong nangyari.

“Deserve niyang malaman 'yung totoo. He deserved the truth and feel better. Kasi nasaktan talaga siya. Siguro kapag nanay ko na at ate ko ang nagsabi, maniniwala na siya,” sambit ni Vice.

Magtatatlong-taon na ang relasyon ng dalawa at hanggang ngayon ay hindi pa rin umano nagsasawa si Vice sa nobyo.

“Hindi ako nagsasawa sa kaniya. At hanggang ngayong poging-pogi ako sa kaniya,” dagdag nito.

Bukod sa noontime show na “It’s Showtime” at “Everybody, Sing!”, abala rin si Vice sa paghahanda sa kaniyang nalalapit na digital concert na “Gandemic: The VG-tal Concert” sa Hulyo.

Related videos:

Watch more in iWantv or TFC.tv

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.