iDolls, ginulat ang jury sa pagiging The Three Tenors sa ‘Your Face’ Grand Finals | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

iDolls, ginulat ang jury sa pagiging The Three Tenors sa ‘Your Face’ Grand Finals

iDolls, ginulat ang jury sa pagiging The Three Tenors sa ‘Your Face’ Grand Finals

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Pinili ng trio na sina Matty Juniosa, Enzo Almario, at Lucas Garcia o kilala bilang iDolls na gayahin ang sikat na operatic trio na The Three Tenors para sa “Your Face Sounds Familiar” Grand Showdown na ikinasorpresa ng mga jury nitong Sabado.

Pinahanga ng iDolls ang tatlong jury sa kanilang pag-awit ng “La Donna E Mobile” na ayon sa mga ito ay mahusay na pagpili para sa grand finals dahilan upang makatanggap ng standing ovation.

Ayon kay Garcia, napili nila ang grupo upang magpakita ng tunay nakakaiba sa huling pagtatanghal sa show.

“Naisip po namin yung pinaka kakaiba na. Yung never naming ginawa sa buhay namin. At malayo sa pagkatao namin,” ani Garcia.

ADVERTISEMENT

Nakaramdam ng pagiging proud si Ogie Alcasid sa ipinakita ng tatlong alumni ng “Idol Philippines” at naniniwala itong simula pa lamang ito ng mga oportunidad para sa kanila.

“That was a perfect choice. I thought you were great. You've always been inspirational. But tonight, ang naramdaman ko was deep pride. It's a beginning for bigger things for you, guys,” saad ni Alcasid.

Para naman kay Gary Valenciano, masaya siya na hinuli ng grupo ang nasabing performance dahil ito aniya ang pinakamagandang pang-finale.

“You made it harder for me to accept na this is the grand showdown. Nagpapasalamat ako na pinilit at pinili nyo ang makakapagbigay ng grandest show ninyo which is this one. You saved the best for last,” tugon ni Mr. Pure Energy.

“Sobra kayong napamahal na sakin. This was a great choice for our showdown. And parang wala kayong hindi rin kayang gawin,” dagdag naman ni Sharon Cuneta.

Nahahati sa dalawa ang magiging iskor ng bawat kalahok -- kalahati ay manggagaling sa nalikom nilang puntos sa 12 linggo ng “Your Face Sounds Familiar” habang ang isa pang 50% ay magmumula sa text votes.

Related videos

Watch more in iWantv or TFC.tv

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.