Coco Martin, nagbalik-tanaw sa mga itinuro ng kanyang 'Lola' Susan Roces | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Coco Martin, nagbalik-tanaw sa mga itinuro ng kanyang 'Lola' Susan Roces

Coco Martin, nagbalik-tanaw sa mga itinuro ng kanyang 'Lola' Susan Roces

ABS-CBN News

 | 

Updated May 23, 2022 01:01 PM PHT

Clipboard

MAYNILA -- Naging emosyonal ang aktor na si Coco Martin sa pagkukuwento nang hindi niya malilimutang sandali kasama ang batikang aktres na si Susan Roces na pumanaw noong Biyernes sa edad na 80.

Si Roces ang itinuturing na lola ni Martin sa mundo ng showbiz. Bago ang pagpanaw ay aktibo pa sa pag-arte si Roces bilang parte ng seryeng "FPJ's Ang Probinsyano" kung saan si Martin ang bidang aktor.

Kilala si Roces sa pagganap niya sa nasabing serye bilang si Lola Flora, ang mapagmahal na lola ng bidang karakter na si Cardo Dalisay.

Nitong Linggo ng gabi, sa Facebook live ni Sen. Grace Poe-Llamanzares, nag-iisang anak ni Roces at Fernando Poe Jr., inamin ni Martin ang pagkabigla sa pagpanaw nang tinaguriang Reyna ng Pelikulang Pilipino.

ADVERTISEMENT

https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2022/tvpatrol/05/23/coco.jpg

"Honestly, hindi ko po talaga alam kung ano ang sasabihin ko ngayon. Talagang shock ang nararamdaman ko kasi hindi ako makapaniwala na mangyayari ito dahil alalang-alala ko ang pagkikita namin ni Tita Sue na ang lalakas lakas niya, ang saya saya niya. Siya ang nabibigay sa amin ng inspirasyon para ipagpatuloy namin 'Ang Probinsyano' dahil lagi niyang sinasabi na nakakapagbigay kami ng ligaya at inspirasyon sa bawat Filipino," pauna ni Martin.

"Ang akala ko, ang isa sa pinakamasakit na mararamdaman ko sa industriyang ito ay noong namatay si Tito Eddie (Garcia). Para kaming napilayan kasi nga lolo namin 'yon. Parang hindi namin akalain na habang ongoing 'Ang Probinsyano' kahit hindi na namin siya kasama noong mga oras na 'yon ay masakit para sa amin. Kasi sobra namin siyang inalagaan, sobra naming bina-value kung ano ang na-contribute niya sa industriya. And then ngayon, hindi ko akalain na ang isa sa mga pinaka-espesyal at malapit na malapit sa buhay ko lagpas sa trabahong ito ay mangyayari ang bagay na ito," kuwento ni Martin.

"Kasi si Tita Susan hindi ko siya katrabaho, hindi katrabaho lang ang tingin ko sa kanya. Malalim ang pagtingin, pagmamahalan at respeto namin sa bawat isa," giit ni Martin.

"Kaya lahat po ng mga sinasabi niya ay dinidibdib namin. Kasi para po sa amin na mga katrabaho niya at ako bilang apo niya sa industriya sa lahat ng mga aktor na kasama ko, directors, sa lahat ng crew and staff 'yung words of wisdom na sinasabi niya po sa amin ay totoong tumatatak sa puso at isip naming lahat. Dahil napakapalad po namin na nakatrabaho po namin siya. Kasi alam niya lahat eh, pinagdaanan niya na yan," ani Martin.

Ayon kay Martin, sa 2012 seryeng "Walang Hanggan" una niyang nakilala at napalapit siya kay Roces.

"Nung nakatrabaho ko na po si Tita Susan sa 'Walang Hanggan' dahan-dahan pong naging komportable ang loob ko sa kanya kasi hindi po niya pinatramdam sa amin na siya ang Queen of Philippine Movies, na siya ang asawa ng Hari ng Pelikulang Pilipino. Ang ipinaramdam niya po sa amin ay isang pamilya at lola po naming lahat," ani Martin.

Ayon kay Martin, hindi niya makakalimutan ang mga bagay na natutunan niya mula kay Roces.

ADVERTISEMENT

"Kasi nakikita niya na hindi ako kumportable bilang isang artista kasi sinasabi ko, kapag nakakakita na ako ng medyo sosyalan, kapag nakikita ko na medyo nagi-Inglisan na para akong natso-tsope kasi nga po alam naman ng lahat 'yon na hindi ako marunong mag-Ingles. Kaya sabi sa akin ng aking lola, hindi importanteng pagi-Ingles at hindi 'yan ang magiging batayan para respetuhin ka ng tao. Ang importante ay marunong kang humarap sa tao na may dignidad," ani Martin.

"Ang importante ay totoo ang sinasabi mo at nasa puso mo. Ang mas mahirap ay hindi ka marunong mag-Tagalog at nasa Pilipinas ka, hindi ka magkakapera. At naniniwala po ako roon, kaya mula noong sobrang naging tight kami," dagdag ni Martin.

Ayon kay Martin, isa pa sa itinuro sa kanya ni Roces ay ang mahalin nito ang kumpanya na nagbibigay sa kanya ng trabaho. At maging pantay ang pagtingin sa lahat ng mga nakakasama sa trabaho.

"Siya po ang nagturo sa akin ng hard work at ang hinding-hindi ko makakalimutan na itinuro sa akin ni Tita Susan ay mahalin ang kumpanya na pinagtatrabahuhan ko, dahil ang kumpanya na pinagtatrabahuhan namin ay ang nagbibigay ng trabaho sa maraming tao," kuwento ng aktor.

"At 'yung pakikipagkapwa mo sa kapwa artista mo maging maliit man 'yan o maigng superstar man 'yan dapat pantay-pantay. 'Yun po ang values na itinuro sa amin ni Tita Susan at sa lahat po ng mga katrabaho niya, mapabata, mapamatanda, mapa-veteran actors lahar po kami sa 'Probinsyano' at kahit sa 'Walang Hanggan' ay nagmamahalan dahil sa values na itinuro sa amin ni Tita Susan Roces at 'yun po ang hindi hindi ko makakalimutan sa tanang buhay ko nabitbit ko po hanggang ngayon," dagdag ni Martin.

ADVERTISEMENT

Sa huli, muling iginiit ni Martin ang pagmamahal sa kanyang kinikilalang lola sa industriya.

"Kaya 'La kung nasan ka man po ngayon, gusto ko pong malaman na lahat kami na nandito ay sobrang-sobrang mahal ka po namin at hinding-hindi ka po namin makakalimutan habang-buhay. I love you," pagtatapos ni Martin.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.