'PBB' adult housemates naglabas ng saloobin sa resulta ng nomination task | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'PBB' adult housemates naglabas ng saloobin sa resulta ng nomination task

'PBB' adult housemates naglabas ng saloobin sa resulta ng nomination task

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Masakit man at may panghihinayang, tanggap ng mga adult housemates ng "Pinoy Big Brother: Kumunity" ang naging resulta ng nomination task.

Sa video na inilabas ng "PBB" nitong Lunes, ibinigay ng mga housemates na sina Zach Guerrero, Isabel Laohoo at Laziz Rustamov ang kanilang saloobin nang hindi nila tinapos ang hamon.

Watch more in iWantv or TFC.tv

"Siyempre nandoon po ang panghihinayang na isa po ako sa huling tao na lumabas ng activity area. Pero Kuya ang iniisip ko po noon ay parang wala na akong kailangan ipaglaban sa puntos ko kasi feeling ko safe na po ako during that time. Nakakahinayang lang po pero ganoon po talaga. Siguro ibinigay ni God na dapat siguro paghirapan ko 'yung paraan po para mapasama sa Final 5," ani Guerrero.

"I am so sorry if I went out. I am so sorry kung hindi ko na-continue Kuya. I know my parents would always say this to me na if I start to do something, I need to focus and I should really be persistent and have the determination. Kaya apart of me I was really thinking bakit nawala 'yung persistence ko. Sometimes I don't know how to stand up for my decisions or the things that I really want deep in my heart. I listen to people. I will always remember my dad telling me that believe in yourself but there are really times that it really melts my heart to see another person suffer or another person got hurt because I know how it is to get hurt," ani Laohoo na hindi na napigilan ang umiyak.

ADVERTISEMENT

Samantala, sa isa pang video ng "PBB," hindi rin napigilan ni Rustamov ang maging emosyonal matapos niyang magdesisyon na hindi tapusin ang hamon.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ayon sa kanya, sadyang mahirap para sa kanya na makitang masaktan ang mga taong naging malapit na sa kanya.

"Maybe I could tell everything in everyone's face straightforward but I just couldn't, I don't know why. So difficult. Kasi Nathan (Juane), he's very close to my heart. Isabel, even if we don't communicate, I don't want to go against her. I just felt no energy to do it. So difficult kasi we get closer. I value the relationship more. That's how I grew up. That's my mom taught me, I can not go against my friends. I will always fight for my family but there are many ways to fight for them," ani Rustamov na iginiit na wala siyang pagsisi sa kanyang desisyon.

Matatandaang binigyan ng pagkakataon ang mga housemates na ipagpatuloy ang hamon para mabigyan ng puntos ang mga kasamahan nila.

Emosyonal na umalis sina Rustamov, Nathan Juane at kapatid nitong si Raf sa activity area. Sumama rin sina Laohoo, Guerrero at Seham Daghlas,

Sa huli, bumalik si Juane para ipagpatuloy ang hamon para sa kanyang kapatid na si Raf. Nakasama niya gumawa ng hamon si Michael Ver Comaling.

Matapos ang hamon, sinabi ni Kuya na pinatunayan nina Juane at Comaling na sila ay karapat-dapat na manatili sa bahay at hinirang bilang bahagi ng Final 5.

Ang natitirang mga housemates naman ay makikipaglaban sa mga bagong saltang house guests para sa natitirang slots sa finals.

Mapapanood ang “PBB” araw-araw sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, iWantTFC, at TFC. Mayroon din itong 24/7 livestreaming sa Kumu.

Kaugnay na ulat:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.