PatrolPH

'PBB': Nathan Juane, Michael Ver Comaling pasok sa Final 5

ABS-CBN News

Posted at Feb 28 2022 09:25 PM

Screenshot mula sa Pinoy Big Brother YouTube channel.
Screenshot mula sa Pinoy Big Brother YouTube channel.

MAYNILA — Pasok na sa Final 5 sina Nathan Juane at Michael Ver Comaling sa adult edition ng "Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10" nitong Lunes.

Sa Monday episode, binigyan ang mga housemates ng pagkakataon kung ipagpapatuloy ba nila ang hamon para mabigyan ng puntos ang mga kasama sa bahay.

Emosyonal na umalis si Laziz Rustamov at sinundan siya nina Juane at kapatid nitong si Raf. 

Inamin ni Seham Daghlas na hindi na niya kayang ipagpatuloy ang hamon at sumama na rin sa kanya sina Isabel Laohoo at Zach Guerrero.

Bago magsara ang pinto, bumalik ang nakatatandang Juane para sa kanyang kapatid at pinagpatuloy niya ang hamon kasama si Comaling.

Sa isang obstacle course, kailangang mapatalbog ang pingpong ball sa lahat ng plates hangang makapasok ito sa isang container.

Matagumpay si Juane na bigyan ng 2 points si Comaling habang nabigyan naman si Raf ng 2 points ng atleta.

Matapos ang hamon, binunyag ni Kuya na pinatunayan nina Juane at Comaling na sila ay karapat-dapat na manatili sa bahay at hinirang bilang bahagi ng Final 5.

Ang natitirang mga housemates naman ay makikipaglaban sa mga bagong saltang house guests para sa natitirang slots sa finals.

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.