'PBB': Adult housemates sumabak sa kakaibang nominasyon | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'PBB': Adult housemates sumabak sa kakaibang nominasyon

'PBB': Adult housemates sumabak sa kakaibang nominasyon

ABS-CBN News

Clipboard

Larawan mula sa Pinoy Big Brother Twitter account
Larawan mula sa Pinoy Big Brother Twitter account

MAYNILA — Sumalang ang pitong natitirang adult housemates ng “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10” sa isang kakaibang nominasyon.

Sa Sunday episode, harapang nagbigay ng puntos ang mga housemates sa kanilang kasamahan ngunit kinakailangan nilang makalusot pa sa isang obstacle para maIbigay ang puntos.

Sa isang obstacle course, kailangang mapatalbog ang pingpong ball sa lahat ng plates hangang makapasok ito sa isang container.

Naipasok ni Raf Juane ang bola at nabigyan ng 2 points si Michael Ver Comaling habang nakakuha naman si Laziz Rustamov ng 1 point mula kay Nathan Juane.

ADVERTISEMENT

Pinapili ni Kuya ang mga housemate kung ipagpapatuloy ba nila ang hamon o lilisanin nila ang activity area para sa iba pang anunsiyo.

Sa pagtatapos ng linggo, limang housemates na lang ang mananatili sa Bahay ni Kuya.

Mapapanood ang “PBB” araw-araw sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, iWantTFC, at TFC. Mayroon din itong 24/7 livestreaming sa Kumu.

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.