PANOORIN: Mga eksena sa viewing party ng Wildflower 'wildest ending'

ABS-CBN News

Posted at Feb 10 2018 01:31 AM | Updated as of Sep 05 2018 11:05 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Hindi pinalampas ng maraming fans ang 'wildest ending' ng Kapamilya drama series na "Wildflower." Nagsagawa pa ng isang public viewing at 'pasasalamat show' sa Cavite. 

Dinumog ng fans ang free viewing ng pagtatapos ng drama series sa General Trias, Cavite. 

Hindi naman nabigo ang fans sa huling episode ng isa sa most watched prime time shows sa telebisyon.

Sa panayam matapos ang panonood, sinabi ng bidang si Maja Salvador na lubos ang kaniyang pasasalamat sa sumuporta sa show.

"Sobrang iba 'yung pakiramdam, iba 'yung kasiyahan na nararamdaman namin. Mahirap man mag-goodbye pero kailangan talaga. Maraming maraming salamat, mga Kapamilya," ani Salvador.

Ayon pa kay Salvador, mahihirapan siyang i-let go ang ginampanan niyang karakter. 

"Sabi ko nga, sa boyfriend madali ako mag-move on pero sa character kong si Ivy Aguas, matagal-tagal. Sobra akong na-in love sa kaniya. Sobra ko siyang minahal na hahanap-hanapin ko ito."

Matutuwa naman ang fans dahil ibinunyag ni Salvador na may gagawin siyang pelikula kasama si Zanjoe Marudo.

"Soon may pelikula po akong gagawin with Zanjoe Maruno. Ia-announce na 'yan soon. So thank you, Lord, hindi nawawalan ng projects," ani Salvador. 

--Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.