PANOORIN: 'Wildflower' scenes na nakakagulantang

ABS-CBN News

Posted at Feb 02 2018 08:23 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa susunod na linggo na ang inaabangang wildest finale ng seryeng 'Wildflower.'

Pero ngayon pa lang, kanya-kanya nang hula kung gaano ka-wild ang magiging pagtatapos ng kuwento.

Ito ay matapos ang hindi mabilang na wild scenes na naganap sa serye.

Kuwento ng bida na si Maja Salvador, tumatak nang husto ang kanyang karakter na si Ivy Aguas at Lily Cruz sa mga manonood. 

"Hindi ko alam kung paano ko siya male-let-go, hindi ko alam kung paano ko siya aalisin. Forever siyang nandu'n dahil iba ang ginawa niya sa sarili ko at sa career ko at sa trabaho ko," ani Salvador.

Malaking bagay para sa mga bida ang suporta ng isa't isa. Lalo na sa mga confrontation scene nina Lily Cruz at Emilia Ardiente, mga papel nina Salvador at Aiko Melendez. 

Top secret pa kung paano ang wildest ending ng serye, kaya dinaan na lang ng mga aktres sa biro ang sagot. 

Magsisimula ang wildest finale ng 'Wildflower' sa Lunes bago mag-TV Patrol.

--Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.