Supply ng itlog pinangangambahang magkulang sa Disyembre o Enero | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Supply ng itlog pinangangambahang magkulang sa Disyembre o Enero

ABS-CBN News
Published Nov 24, 2021 07:17 PM PHT
|
Updated Nov 25, 2021 12:15 PM PHT

MAYNILA (UPDATE)—Nangangamba ang ilang grupo na posibleng magkaroon ng kakulangan sa supply ng itlog pagdating ng Disyembre ngayong taon o Enero ng 2022.

Ayon sa Egg Council of the Philippines, bagama't sobra-sobra ang supply ng itlog sa bansa ngayon, nalulugi na sila dala ng halos dobleng pagtaas ng presyo ng feed inputs na pinapakain sa mga manok.

Kabilang dito ang soya, mais, at coconut oil.

Dahil dito, madami sa may layering farm ngayon ang nagbabawas nang hanggang 40 porsiyento ng alaga.

ADVERTISEMENT
"Nagpo-produce ako ng mga 200,000 itlog araw-araw, eh nalulugi ako ng P300,000 araw-araw. Hindi namin kayang i-sustain 'yan kaya nagbabawas ako ng alaga," ani Nicanor Briones, chairman ng grupo.

"Nag-cull na ako. Apat na building na ang tinanggal ko so ibig sabihin nasa 40,000 ang paitlugin na tinanggal ko dahil ang dami mong alaga ang laki ng iyong nalulugi."

Tumaas nang P8 kada kilo ang mais, P20 kada kilo ang coconut oil habang dumoble sa P54 ang presyo ng soya kada kilo, dagdag ni Briones.

Ayon naman sa Philippine Egg Board Association, posibleng magka-shortage ng supply habang papalapit ang Pasko o simula ng Enero ng 2022 sa dami ng nagbabawas ng paiitluging manok.

"Historically 'pag ganun after a few months or few weeks pwedeng mag-kashortage or usually nagkaka-shortage, tapos inaanticipate din natin na dahil Christmas season tataas din ang demand for just like other food items," ayon sa pinuno nilang si Irwin Ambal.

Pinipili umano nilang magbawas ng alaga kaysa ipasa sa konsumer ang dagdag sa production cost.

"'Yung maliliit na sizes na lang ang nagiging mabenta kasi 'yun na lang ang kayang i-afford ng karamihan lalo na 'yung sa working class na below middle class," ani Ambal.

Pero ngayong wala pang shortage, dama na ang pagtaas ng preso nang hanggang P0.50 kada piraso sa mga itlog, depende sa sukat nito.

Tingin naman ng Bureau of Animal Industry at egg producers na posibleng sa ilang traders nag-uumpisa ang paggalaw ng presyo ng itlog.

"We tried contacting some of the traders ang sinasabi po nila they buy tapos pinapasa lang nila doon sa mas maliliit na traders so may mga subtraders pa na sila na sinasabi at andun daw po yung pagtaas," ani BAI Director Reildrin Morales.

Hindi naman matantiya ng mga egg producer kung gaano katagal magkakaroon ng shortage ng itlog.—Ulat ni April Rafales, ABS-CBN News

Read More:
konsumer
Egg Council of the Philippines
Philippine Egg Board Association
itlog
eggs
poultry
produce
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT