Ilang negosyante nagbawas ng produksiyon ng itlog, karne dahil sa ECQ, importasyon | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang negosyante nagbawas ng produksiyon ng itlog, karne dahil sa ECQ, importasyon

Ilang negosyante nagbawas ng produksiyon ng itlog, karne dahil sa ECQ, importasyon

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Iniinda ng ilang negosyante ang kanilang pagkalugi dahil sa pagbabalik ng enhanced community quarantine (ECQ) at epekto ng umano'y sobra-sobrang importasyon sa mga produktong pang-agrikultura.

Ang mga nag-aalaga ng manok na nangingitlog, nagbawas ng 20 porsiyento ng mga alaga dahil sa mababang demand na idinulot ng pagbabalik-lockdown ng Metro Manila at iba pang lugar.

"Kahit meron ka nang poultry na may cages, aalisan mo ng laman sapagkat tuloy-tuloy kaming nalulugi," ani Nicanor Briones, presidente ng Agricultural Sector Alliance of the Philippines.

Ayon naman sa Samahang Industriya ng Agrikultura, maraming higanteng hog producer ang lumipat sa pag-import na mas madaling paraan para kumita.

ADVERTISEMENT

Ang mga malilit naman na hog raiser anila ay hindi na nagdagdag ng produksiyon.

"Siyempre nabawasan dahil lockdown, pati mga pupuntang palengke. 'Yung may trabaho huminto so 'yung purchase powers babagsak. Dahil flooded, di nila mabenta, nakita nila ang daming importation lalo ngayong ECQ hindi makabenta kaya hindi magre-repopulate, ang tingin namin mga 30 percent," ani SINAG Chairman Rosendo So.

Kabilang sa mga apektado ang mamimiling si Nora Figuracion, na pinili munang hindi mamili masyado ng mga gulay sa pagtaas ng presyo.

Sabi ng Department of Agriculture, hindi pa lubusang nakakabawi ang mga pananim na gulay mula sa pananalanta ng bagyong Fabian at habagat noong nakaraang linggo.

walang ayuda ang ahensiya para sa mga nalugi ngayong pandemya, pero bukas pa rin ang loan programs para sa kanila.

ADVERTISEMENT

Iyon nga lang ay mayroon itong interes.

"Kabilang po sila doon sa bibigyan ng ayuda ng DSWD. Kami po walang particular sa ECQ na binibigay na ayuda pero nagbibigay ng regular na ayuda ang department sa mga nasalanta ng bagyo," ani DA Assistant Secretary Noel Reyes.

Makakaasa naman umano ang mga magsasaka ng palay ng ayuda mula sa sobrang nakolektang taripa sa bigas.

Panawagan ng mga grupo na itigil ang sobrang importasyon at muling itaas ang taripa sa baboy at bigas mula sa non-ASEAN countries at pagtuunan ng pansin ang lokal na produksiyon.

-- Ulat ni April Rafales, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.