Petisyon para sa taas-pasahe di pa rin babawiin: transport groups | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Petisyon para sa taas-pasahe di pa rin babawiin: transport groups

ABS-CBN News
Published Nov 02, 2021 01:58 PM PHT
|
Updated Nov 02, 2021 06:49 PM PHT

(UPDATE) Iginiit ngayong Martes ng mga transport group na hindi muna nila iuurong ang kanilang petisyon para taasan ang minimum na pasahe sa mga jeep.

Mananatili muna ang hiling na P3 taas-pasahe hangga't hindi ibinibigay ng pamahalaan ang ipinangako nitong fuel subsidy sa mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan, sabi ni Obet Martin, pangulo ng Pasang Masda, isa sa mga grupong naghain ng petisyon.

"Sa petisyon ay nakaparada lang muna, hindi muna namin puwedeng iatras 'yan, hindi muna puwedeng galawin," ani Martin.

Noong nakaraang buwan, hiniling ng mga grupo na itaas sa P12 ang minimum na pasahe sa mga jeep mula P9 bunsod ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

ADVERTISEMENT
Samantala, humirit din ang grupo ng mga taxi operator na isali sila sa dagdag-kapasidad ng pasahero at fuel subsidy.

"Nagsa-suffer din ang ating mga kasamahan sa industriya ng taxi," sabi ni Philippine National Taxi Operators Association President Bong Suntay.

"Majority ng ating mga taxi ang ginagamit ay either gasolina o [liquefied petroleum gas], both of which talagang has increased in price tremendously," dagdag ni Suntay.

Ang dagdag-kapasidad na tinutukoy ng grupo ay ang pagpayag kamakailan ng pamahalaan na itaas ang kapasidad ng mga pampublikong saskayan sa Metro Manila at ilang karatig-lalawigan simula Huwebes, sa 70 porsiyento mula 50 porsiyentong kapasidad.

Ayon sa Department of Transportation, gustuhin man nilang isali lahat, tanging jeepney lang ang nakalagay sa batas na aayudahan gamit ang limitadong pondo.

DAGDAG-KAPASIDAD
Samantala, pinaghahandaan na rin umano ng mga tsuper ang dagdag-kapasidad sa bus at jeep na magsisimula sa Huwebes.

Kabado si Philippine College of Physicians President Dr. Maricar Limpin sa bagong polisiya dahil mawawala ang physical distancing sa jeep habang kulob naman ang maraming bus.

"Definitely mako-compromise po 'yong physical distancing natin diyan," ani Limpin.

Pero ayon sa Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT), na magpapatupad ng bagong patakaran, dapat one-seat apart ang mga pasahero sa bus.

Sa jeep, hindi naman umano puwedeng magdikit ang balikat ng mga pasahero.

"Hinihigpitan din namin sa I-ACT 'yan," sabi ni I-ACT Special Operations Unit leader Col. Jose Manuel Bonnevie.

Para naman kay Martin ng Pasang Masda, malabong maipatupad ang panukalang mga bakunadong pasahero lang ang papasakayin sa mga pampublikong sasakyan.

Ayon kay Martin, mahirap ipatupad ang polisiya, na maaari din lang magdulot ng alitan sa pagitan ng mga tsuper at pasahero, lalo't hindi naman palaging dala ng mga tao ang kanilang vaccination card.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
transportasyon
jeepney
fare hike
petition
Pasang Masda
fuel subsidy
PUV
PUV capacity
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT