Kapasidad ng mga pampublikong sasakyan sa NCR Plus pinayagang itaas sa 70 pct | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kapasidad ng mga pampublikong sasakyan sa NCR Plus pinayagang itaas sa 70 pct

ABS-CBN News
Published Oct 31, 2021 05:18 PM PHT
|
Updated Oct 31, 2021 06:26 PM PHT

Mula P1,500, nasa P700 na lang ngayon ang koleksiyon ni Norberto Pagaw sa 14 na oras na pamamasada ng bus.

Ikakaltas pa rito ang pamahal na pamahal na bayad sa diesel o gas at intrega sa operator.

"Itong mga nakaraang araw, talagang halos wala kaming kinikita. Minsan wala pa sa minimum kaming inaabot, nagtitiyaga lang kami," ani Pagaw.

Nasa P200 naman ang naiuuwi ng jeepney driver na si Reynaldo Escanilla kada araw.
Nasa P200 naman ang naiuuwi ng jeepney driver na si Reynaldo Escanilla kada araw.
ADVERTISEMENT
Nasa 50 porsiyentong kapasidad lang kasi ang pinapayagan sa ngayon sa mga pampublikong sasakyan.

"Minsan madaming pasahero sa daan pero 'di naman namin puwedeng isakay gawa nang huhuliin din po kami," ani Escanilla.

Simula Huwebes, Nobyembre 4, pinayagan na ng Inter-Agency Task Force na iakyat sa 70 porsiyento ang allowed capacity sa mga pampublikong sasakyan gaya ng jeep, bus at maging mga tren ng MRT, LRT at Philippine National Railways.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), paghahanda na rin ito para sa papalapit na Pasko.

Epektibo ito sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Pinapayagan na ring tumayo sa mga bus basta't 1 lang ang nakaupo sa kada hilera at sa tabi ng bintana nakaupo ang ibang pasahero.

"Ngayon nasa Alert Level 3 na ang Metro Manila, mas maraming negosyo ang pinayagan na magbukas at mas marami rin po ang ating mga kababayan na lumalabas kaya mataas na rin po ang demand for public transportation," ani Transport Assistant Secretary Mark Steven Pastor.

"Sa pag-aaral ng DOTr, ang kapasidad sa pampublikong transportasyon ay walang diretsong kinalaman sa bilang ng COVID-19 cases," dagdag ni Pastor.

Pilot testing pa lang ang mangyayaring pagtaas ng kapasidad at kapag naging epektibo, maaaring itodo na sa 100 porsiyentong kapasidad.

Nangako namang susunod ang transport group na Pasang Masda sa 70 posiyentong capacity pero pakiusap nila sa mga traffic enforcer na huwag gaano maging strikto, lalo na kung mismong mga pasahero ang nagpupumilit makasakay.

"As jeepney drivers, we cannot avoid na 'di mapuno ang sasakyan," ani Pasang Masda President Obet Martin.

Samantala, pinayagan na ring alisin ang plastic barriers.

"Maaari na po itong tanggalin ng mga drivers at operators dahil wala rin hong medical findings 'yong aming pag-aaral na ito ay makakapagpa-iwas sa paghawa ng COVID-19, bagkus ito ay maaari pang kabitan po ng virus because of the plastic material," ani Pastor.

Samantala, aprubado na ang P1 bilyong pondo para sa fuel subsidy ng mga jeepney driver sa buong bansa.

Bibigyan ng card ang mga tsuper na puwede nilang gamitin kapag nagpakarga ng diesel o gasolina ng kanilang mga unit.

Dahil sa pagluluwag ng mga protocol at sa ibibigay na subsidiya, sinabi ng mga transport group na isasantabi muna nila ang hirit na umento sa pasahe.

— Ulat ni April Rafales, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
transportasyon
PUV capacity
jeep
bus
Department of Transportation
NCR Plus
health protocols
plastic barrier
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT