Hiling na taas-pasahe, mukhang malabong aprubahan: LTFRB | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Hiling na taas-pasahe, mukhang malabong aprubahan: LTFRB

Hiling na taas-pasahe, mukhang malabong aprubahan: LTFRB

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Tila malabong mapagbigyan ang hiling ng mga transport group na itaas sa P12 ang minimum na pamasahe sa mga jeep, sabi ngayong Martes ng tagapamuno ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

"Ang guidance po ni [Transportation] Secretary [Arthur Tugade], kung puwede hindi magtataas ng pamasahe," ani LTFRB Chairman Martin Delgra.

"On one hand we understand very much the concern and basis for the petition pero kung papayagan po natin ang petition na 'yan, may matatamaan naman na mas nakakarami," paliwanag ni Delgra.

Nasa P3 ang hiniling na dagdag sa minimum na pasahe ng jeep, na kasalukuyang nasa P9, bunsod ng tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

ADVERTISEMENT

Irerekomenda umano ng Department of Transportation na taasan ang kapasidad o bilang ng mga pasaherong puwedeng isakay sa mga public transportation dahil mas marami nang tao ang puwedeng lumabas ngayon.

Ayon kay Delgra, puwede ring buhayin ang fuel subsidy o damihan na lang ang diskuwento ng mga gasolinahan sa mga public jeepney.

Nagpatawag na ng pulong sa Miyerkoles ang House transportation committee para pag-usapan ang diskarte kung paano matutulungan ang transport sector.

Sumulat na rin si Energy Secretary Alfonso Cusi sa Kongreso para amyendahan ang Oil Deregulation Law para matugunan ang walang habas na pagtaas ng presyo ng petrolyo at mahimay ang presyuhan ng fuel products.

Simula Agosto 31 hanggang Oktubre 19 o sa loob ng 8 linggo, umabot na sa P8.65 ang iminahal ng kada litro ng diesel, P7.20 sa kada litro ng gasolina at P8.05 sa kada litro ng kerosene.

Sa Metro Manila, lagpas P60 na ang gasolina habang P50 naman ang diesel.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.