PatrolPH

Presyo ng petrolyo, higit P1 ang itataas sa Oktubre 19

ABS-CBN News

Posted at Oct 18 2021 12:54 PM | Updated as of Oct 18 2021 07:01 PM

(UPDATE) Sa ikatlong sunod na linggo, magkakaroon ng malaking pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo. 

Simula Martes, Oktubre 19, ipatutupad ng mga oil company ang mga sumusunod na price adjustment:

Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)
GASOLINA +P1.80/L
DIESEL +P1.50/L
KEROSENE +P1.30/L

Shell, Seaoil, Petron, Flying V (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA +P1.80/L
DIESEL +P1.50/L
KEROSENE +P1.30/L

Petro Gazz, PTT Philippines, Phoenix Petroleum (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA +P1.80/L
DIESEL +P1.50/L

Cleanfuel (Alas-4:01 ng hapon)
GASOLINA +P1.80/L
DIESEL +P1.50/L

Ito na rin ang ika-8 sunod na linggong nagkaroon ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

Noong nakaraang linggo, hiniling ng mga transport grupo sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board na itaas sa P12 ang minimum fare sa jeep mula P9.

Inihirit na rin ng isang consumer group sa pamahalaan na suspendehin ang excise tax bunsod ng serye ng mga taas-presyo.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.