PatrolPH

Presyo ng petrolyo, may malaking pagtaas ulit sa Oktubre 12

ABS-CBN News

Posted at Oct 11 2021 12:54 PM | Updated as of Oct 11 2021 06:26 PM

MAYNILA (UPDATE 2) — Muling magkakaroon ng malaking pagtaas sa presyo ng petrolyo sa Martes, Oktubre 12, ayon sa abiso ngayong Lunes ng mga oil company.

Narito ang mga price adjustment:

Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)
GASOLINA +P1.30/L
DIESEL +P1.50/L
KEROSENE +P1.45/L

Shell, Seaoil, Petron (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA +P1.30/L
DIESEL +P1.50/L
KEROSENE +P1.45/L

PetroGazz, Unioil, PTT Philippines, Phoenix Petroleum (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA +P1.30/L
DIESEL +P1.50/L

Cleanfuel (Alas-4:01 ng hapon)
GASOLINA +P1.30/L
DIESEL +P1.50/L

Ito na ang ikapitong sunod na linggong nagkaroon ng oil price hike.

Noong nakaraang linggo, naging malaki rin ang dagdag sa presyo ng petrolyo, na naglaro sa P1.45 hanggang P2.05 kada litro.

Nauna nang sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi na walang magagawa ang pamahalaan sa pagmahal ng petrolyo dahil nakabase ang mga presyo nito sa presyo sa pandaigdigang merkado.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.