Transport groups posibleng humirit ng dagdag-pasahe dahil sa serye ng oil price hike | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Transport groups posibleng humirit ng dagdag-pasahe dahil sa serye ng oil price hike

Transport groups posibleng humirit ng dagdag-pasahe dahil sa serye ng oil price hike

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 05, 2021 07:30 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nagbabala ang mga transport group na hihirit sila ng pagtaas sa pasahe bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Ayon kay Pasang Masda President Obet Martin, mapipilitan ang kanilang grupo ng humiling ng dagdag-singil sa pasahe kapag nagkaroon ulit ng oil price hike sa susunod na linggo.

"Mapi-puwersa na kaming mag-file ng petition for fare increase. Ito'y masakit sa aming puso at isip pero kailangang maunawaan kami ng ating mananakay, 'di na namin makakaya," ani Martin.

Ngayon Martes, nagkaroon ng malaking pagtaas sa presyo ng produkto, ang ika-anim na sunod na linggong may oil price hike.

ADVERTISEMENT

Sa loob ng 6 na linggo, umabot na sa P5.65 ang iminahal ng presyo ng kada litro ng diesel, P4.10 naman sa gasolina at P5.30 sa kerosene.

Nakiusap naman ang mga lider ng transport groups na Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas at Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines na kausapin at konsultahin sila ng gobyerno para mapag-usapan kung paano matutulungan ang kanilang sektor.

KURYENTE, SAPUL DIN

Bukod sa transport, sapul din ng serye ng oil price hike ang singil sa kuryente dahil maraming planta ang gumagamit ng liquid fuel o diesel, sabi ng Laban Konsyumer.

Pati sa manufacturing, gaya ng mga gumagawa ng sardinas, apektado rin ng dagdag-presyo sa petrolyo.

"Ang mga mangingisda, nanghuhuli ng sardinas using motorized bancas... fishing vessels mostly use a lot of fuel," sabi ni Canned Sardines Association of the Philippines Spokesman Francisco Bombit Buencamino.

ADVERTISEMENT

Pero nilinaw ng mga sardine manufactuter na hindi sila humihirit ng dagdag-presyo sa ngayon.

Sa mga guagawa naman ng canned meat, malaki rin umano ang epekto ng taas-presyo sa petrolyo sa kanilang production at transport cost.

Pero patuloy umano itong sinasalo ng mga manufacturer dahil alam anila nilang hirap na rin ang mga konsumer.

Nauna nang sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI) na patuloy pa nitong pinag-aaralan ang hirit ng taas-presyo ng mga manufacutrer ng ilang pangunahing bilihin.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.