Presyo ng petrolyo may malaking pagtaas sa Oktubre 5 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Presyo ng petrolyo may malaking pagtaas sa Oktubre 5

Presyo ng petrolyo may malaking pagtaas sa Oktubre 5

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 04, 2021 06:59 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

(UPDATE) Magkakaroon ng malaking pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa Martes, Oktubre 5, ayon sa mga kompanya ng langis.

Narito ang mga price adjustment:

Caltex, Seaoil (Alas-12:01 ng hatinggabi)
DIESEL +P2.05/L
GASOLINA +P1.45/L
KEROSENE +P2.05/L

Shell, Petron (Alas-6 ng umaga)
DIESEL +P2.05/L
GASOLINA +P1.45/L
KEROSENE +P2.05/L

ADVERTISEMENT

Petro Gazz, PTT Philippines, Phoenix Petroleum (Alas-6 ng umaga)
DIESEL +P2.05/L
GASOLINA +P1.45/L

Cleanfuel (Alas-4:01 ng hapon)
DIESEL +P2.05/L
GASOLINA +P1.45/L

Ito na ang ikaanim na sunod na linggong nagkaroon ng pagtaas sa presyo ng petrolyo.

Sa loob ng 6 na linggo, umabot na sa P5.65 ang iminahal ng presyo ng kada litro ng diesel, P4.10 naman sa gasolina at P5.30 sa kerosene.

Ayon naman kay Energy Secretary Alfonso Cusi, walang magagawa ang pamahalaan sa pagmahal ng petrolyo dahil nakabase ang mga presyo nito sa presyo sa pandaigdigang merkado.

ADVERTISEMENT

Itinanggi rin ni Cusi — na namumuno ng isang paksiyon ng ruling party na PDP-Laban — na mas pinagtutuunan niya ng pansin ang politika habang patuloy ang pagtaas ng presyo ng langis.

"Dito po sa [Department of Energy], kaniya-kaniya po kami ng responsibilidad. Sa 'kin po policy, implementation, enforcement. May directors po tayong nagbabantay," sabi ni Cusi sa Teleradyo.

STATE OF CALAMITY

Para naman kay Laban Konsyumer President Vic Dimagiba, puwedeng gamitin ng gobyerno ang idineklarang state of calamity ni Pangulong Duterte para magpatupad ng price ceiling at makontrol ng mga presyo.

Ito rin ang basehan ni Dimagiba para pigilan ang hirit na dagdag-presyo sa mga pangunahing bilihin at Noche Buena products.

Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, pinag-aaralan pa ang mga hirit na dagdag-presyo ng manufacturers.

ADVERTISEMENT

Ibinalita rin ni Castelo na maraming brand ng Noche Buena items, kagaya ng hamon, ang hindi magtataas ng presyo ngayong 2021.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.