Presyo ng gulay, bigas, bumaba sa ilang palengke sa Maynila | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Presyo ng gulay, bigas, bumaba sa ilang palengke sa Maynila

Presyo ng gulay, bigas, bumaba sa ilang palengke sa Maynila

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 05, 2018 01:21 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Bumaba ang presyo ng ilang gulay at commercial rice sa ilang pamilihan sa Metro Manila.

Sa Kamuning Market, naiulat ang tapyas-presyo sa ilang gulay, tulad ng kamatis na P50 na ngayon kada kilo mula sa P100 kada kilo noon. Ang carrots, bumagsak sa P80 kada kilo mula sa P120 kada kilo.

Ang patatas naman, P80 na mula sa P100 kada kilo, habang ang sili na dating P1,000 kada kilo, P500 kada kilo na lang ngayon.

Ang bawas-presyo ay naging ginhawa para sa mamimiling si Estrella Serafin, na gumastos ng P495 na pinamiling pagkain para sa tatlong araw.

ADVERTISEMENT

Pero aniya, hindi pa rin sapat ito dahil ramdam pa rin ang taas-presyo sa ilang mga produkto.

"Dati 'pag may gulay kami dapat may prito ring isda or karne or manok. Dati meron pa itong malunggay 'tsaka iba-ibang klaseng dahon, ngayon mahal na lahat kaya isang klase ng dahon na lang nilalagay ko," aniya.

May ilang gulay pa rin sa pamilihan ng Kamuning na tumaas ang presyo tulad ng talong at ampalaya, na ngayo'y P100 mula P80 kada kilo, repolyo na P140 mula P120 kada kilo, at lettuce na P420 kada kilo mula P350 kada kilo.

Namataan din nitong Huwebes ang bawas-presyo sa Baclaran Market.

Payo ng ilang tindera na samantalahin ang mababa pang presyo ng ilang gulay bago pumatak ang Christmas season kung saan nagbabadya muli ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

"Pagdating ng November to December 'yan 'yung tataas na naman ang gulay eh magpa-Pasko po eh," anang tindera na si Venus Sengco.

PRESYO NG BIGAS

Bumaba naman ng P1 hanggang P2 ang ilang commercial rice, na P40 hanggang P50 kada kilo ngayon.

Pero ang ilang special o premium rice, nakapako pa rin sa P55 hanggang P60 kada kilo.

Posible namang bumaba pa ang presyo ng bigas sa mga susunod na linggo habang patuloy ang panahon ng anihan.

"Habang patuloy pa 'yung harvest season natin, bababa nang bababa ang bigas natin. Next week another piso, susunod na week, another piso," paliwanag ng tinderang si Crescencia Sario.

Bukod sa mga wet market, mabibili na rin ang NFA rice sa apat na supermarkets sa Quezon City:

  • Daily Supermarket - P. Tuason corner 20th Ave, Quezon City
  • San Roque Supermarket - Quirino Highway corner Dumalay St., Novaliches, Quezon City
  • GL Del Monte - 1032 Del Monte Avenue, Quezon City
  • JC Plaza Supermart - 22 T. Gener St. Kamuning, Quezon City

Ayon sa Department of Agriculture, nakatuon ang pansin nila sa pagseseguro na makararating ang mga produkto mula sa mga lugar na matumal ang bentahan patungo sa mga probinsiyang nangangailagan ng mga produkto.

Ani Agriculture Secretary Manny Piñol, sa ganitong paraan, mas madali na nilang masosolusyonan ang dagdag-presyo ng mga bilihin.

"Mali-link na natin ngayon, mababalanse na natin. We can identify which province produces in excess of that commodity and which province is lacking," aniya.

-- Ulat ni April Rafales, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.