Pagbebenta ng NFA rice sa mga supermarket umarangkada na | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagbebenta ng NFA rice sa mga supermarket umarangkada na

ABS-CBN News
Published Sep 25, 2018 07:24 PM PHT

Umarangkada na ang bentahan ng National Food Authority (NFA) rice sa piling supermarket sa Metro Manila nitong Martes.

Ang paglalagay ng NFA rice sa supermarkets ang isa sa solusyon ng Department of Trade and Industry (DTI) upang mapalaganap ang mas murang bigas sa merkado.
Ang Daily Supermarket sa Cubao ang unang pribadong grocery store na nakakuha ng suplay ng NFA rice. Um-order ang pamilihan ng 25 sako ng NFA rice.

Nasa P25/kilo ang kuha nila pero P27/kilo ito ibebenta.

Pagka-deliver sa supermarket, ni-repack agad ito sa tig-2 kilo kada plastic.

ADVERTISEMENT
Bawal kasi bumili nang sako-sako dahil limitado kada konsumer ng apat na kilo kada pila.

Si Mac Casiñas, kahit bandang Katipunan pa nakatira ay dumayo sa Daily Supermarket sa Cubao para bumili ng NFA rice.

"Wala na po kasi sa amin dun eh, dati meron," hinaing niya.

May pakiusap naman ang Philippine Amalgamated Supermarkets Association Inc. na siyang magsisilbing pribadong outlet ng NFA rice alinsunod sa memorandum nila sa DTI.

Anila, huwag naman daw silang pahirapan sa permit at proseso sa paghango ng NFA rice dahil tumutulong na nga sila sa gobyerno.

"It will take a lot of paperwork, it will take time so baka by that time na matapos [ang proseso], kailangan na [ng konsumer]," ani Steven Cua, presidente ng grupo.

Pero paliwanag ng NFA, hindi uubrang madaliin ang permit para sa mga magbebenta ng NFA rice.

"Lahat po ng nagbebenta kailangan may permit, may license, so let's follow the guidelines," giit ni NFA spokesperson Rex Estoperez.

—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT