Presyo ng gulay sa Baclaran, bumaba | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Presyo ng gulay sa Baclaran, bumaba

Presyo ng gulay sa Baclaran, bumaba

ABS-CBN News

Clipboard

Ayon sa mga nagtitinda sa Baclaran market, mukhang nagsisimula nang makabawi ang mga magsasaka matapos ang mga kalamidad kaya bumaba na ang ilang presyo. Screenshot

Kapansin-pansin ang ibinaba ng presyo ng gulay sa palengke ng Baclaran nitong Huwebes, base sa pag-iikot ng ABS-CBN News sa naturang pamilihan.

Sa mga native na gulay tulad ng talong at ampalaya, P20 na lang ang kada tumpok habang P10 naman ang kada tali ng okra, sitaw, kangkong, at sili.

Ang kalabasa, naglalaro sa P50 na lang ang kada kilo.

Ang kapansin-pansin din, kahit kada tumpok o tali ang bentahan ay nananatiling nasa P10-P20 ang presyo nito pero mas marami na ngayon ang sukat.

ADVERTISEMENT

Sa mga gulay galing Benguet, may kamahalan pa rin pero bumaba na rin ang presyo.

Ang cauliflower ay P180 kada kilo.

Mula naman P300 ay P150 na lang ang presyo ng kada kilo ng repolyo at P20 ang kada tumpok ng carrots.

PRESYO NG GULAY SA BACLARAN

• Talong → P20/tumpok
• Ampalaya → P20 /tumpok
• Okra → P10/tali
• Sitaw → P10/tali
• Kangkong → P10/tali
• Kalabasa → P50/kilo
• Carrots → P20/tumpok
• Repolyo → P150/kilo
• Cauliflower → P180/kilo
• Bawang → P20/tumpok
• Sibuyas → P20/tumpok
• Kamatis → P20/tumpok

Ayon sa mga nagtitinda sa Baclaran market, mukhang nagsisimula nang makabawi ang mga magsasaka matapos ang mga kalamidad kaya bumaba na ang ilang presyo.

Ang pinakamurang klase ng commercial rice sa Baclaran ay nasa P47/kilo at P60/kilo naman ang pinakamahal.

PRESYO NG BIGAS SA BACLARAN

• Angelica → P47/kilo
• Sinandomeng → P48/kilo
• Denorado → P60/kilo
• NFA rice → P27/kilo

Mayroon ding nakitang tig-P27/kilo na NFA rice.

Pero sa mga mahilig sa isda, ibang sitwasyon ang sasalubong sa mga mamimili dahil tumaas na naman ang presyo ngayon linggo.

—Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.