Presyo ng bigas, tumaas sa ilang palengke | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Presyo ng bigas, tumaas sa ilang palengke

ABS-CBN News
Published Sep 05, 2018 08:19 PM PHT

Dati, tig-P43 na commercial rice ang binibili ni Edna Quinto. Pero dahil P45 na ang pinakamababang presyo ng bigas sa Mega Q-Mart sa Quezon City, pinipili na lang niyang bumili ng P32 bigas ng National Food Authority (NFA).

Pero dahil limitado na rin ang bentahan ng NFA rice sa mga palengke, patingi-tingi ang pagbili ni Quinto.

Mabigat na nga ang gastusin sa bigas, dagdag pa rito ang gastos sa pamasahe dahil pabalik-balik siya sa palengke para makabili.

"Sana nga po kahit hanggang lima, i-allow ng NFA kasi babalik pa ako bukas, pamasahe rin po 'yon," ani Quinto.
"Sana nga po kahit hanggang lima, i-allow ng NFA kasi babalik pa ako bukas, pamasahe rin po 'yon," ani Quinto.
ADVERTISEMENT
Sa Pasig Market naman, nasa P46 ang presyo ng regular milled rice at pila pa rin ang mga bumibili ng NFA rice.

Bukod sa pagsipa nitong Agosto ng kabuuang inflation rate o iyong bilis ng pagtaas ng halaga ng mga bilihin at serbisyo, umarangkada din ang inflation rate ng bigas.

Mula 5 porsiyento noong Hulyo, nasa 7.1 porsiyento na ang inflation rate ng bigas nitong Agosto, base sa datos ng Philippine Statistics Authority.

DAGDAG-SUPLAY, NAKIKITANG SOLUSYON
Isa sa mga solusyong nakikita ng NFA ay ang pagdadagdag ng suplay ng NFA rice sa mga palengke.

Muling mag-aangkat ng bigas ang NFA base sa huling pulong kasama ang NFA Council.

"Kung hindi double, basta dagdagan sa market," ani NFA spokesperson Rex Estoperez.

Umaasa si Estoperez na makatutulong ang bigas na makukuha sa anihan nitong Setyembre.

"Anyway, this September may dadating naman na bigas na iyong ani natin," dagdag ni Estoperez.

Pero ayon kay Cathy Estabillo, tagapagsalita ng grupong Bantay Bigas, pagkontrol sa presyo ang solusyon.

Inihayag naman ng grupong Alyansa ng mga Magbubukid sa Central Luzon ang kanilang pagtutol sa pag-angkat sa bigas.

Kontra rin sila sa isinusulong ng Department of Agriculture na bigas-mais na puwedeng gawing alternatibo sa bigas.

"Hindi namin nakasanayan ang bigas at mais 'no? Siguro noong panahon na katulad din ng martial law," ani Joseph Canlas, chairperson ng Alyansa ng mga Magbubukid sa Central Luzon.

Naniniwala rin si Anakpawis Rep. Ariel Casialo na dapat bigyan ng supplemental budget o karagdagang pondo ang NFA para makabili ng palay sa mga lokal na magsasaka ngayong panahon ng ani.

Pero tutol dito ang ibang kongresista dahil bigo raw ang administrasyon ng NFA sa kanilang tungkulin at kailangan na silang alisin sa puwesto.

Kamakailan ay lumabas ang ulat na inilihis umano ng ilang opisyal ng NFA ang pondong pambili dapat ng bigas mula sa mga lokal na magsasaka at ipinambayad ito sa utang. --Ulat ni Kori Quintos, ABS-CBN News