Akyat ng presyo ng bilihin, pinakamataas nitong Agosto | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Akyat ng presyo ng bilihin, pinakamataas nitong Agosto

ABS-CBN News
Published Sep 05, 2018 01:27 PM PHT
|
Updated Sep 05, 2018 09:44 PM PHT

Naging pinakamataas, kumpara sa anumang panahon simula noong Marso 2009, ang naging pag-akyat ng presyo ng mga bilihin nitong Agosto.

Samantala, dumarami rin ang mga Pilipino na may trabaho pero kapos ang kita.

Umarangkada sa 6.4 porsiyento ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo o 'yung tinatawag na inflation para sa buwan ng Agosto.

Ito na ang pinakamabilis nitong pag-akyat sa halos 10 taon.
Ito na ang pinakamabilis nitong pag-akyat sa halos 10 taon.
ADVERTISEMENT
Malayo ito sa forecast ng Department of Finance (DOF) at iba't ibang ekonomista, na sinabing hindi papalo sa lagpas 6 porsiyento ang inflation sa nakaraang buwan.

Huling naitala ang inflation lampas ng 6 porsiyento noong Marso 2009 nang umabot ito sa 6.6 porsiyento.

Inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang datos nitong Miyerkoles.

Ito na ang ika-8 buwan ng patuloy na pagsipa ng inflation sa bansa, na isinisisi sa pag-akyat ng presyo ng krudo sa world market.

Noong nakaraang buwan ng Hulyo, naitala sa 5.7 porsiyento ang inflation.
Noong nakaraang buwan ng Hulyo, naitala sa 5.7 porsiyento ang inflation.
ADVERTISEMENT
MGA DAING SA TAAS-PRESYO
Sa panayam ng ABS-CBN News, sinabi ng manggagawang si Amalia Alcantara na damang-dama nila ang pagsipa ng presyo ng mga bilihin.

Saging at bahaw lang ang naging tanghalian nina Alcantara kasama ang apat na anak nitong Miyerkoles.

Mapili rin siya sa binibiling bigas at bihira nang makabili ng gulay at sangkap para sa ulam.

Nasa P100 ang budget ni Alcantara kada araw pero aniya, hindi sapat ang kinikita niyang P3,000 kada buwan bilang street sweeper.

"Utang pagkadating ng sahod. Wala na po kaming mahawakan...Hindi po sumasapat sa katulad po naming apat ang anak, may highschool pa ako," ani Alcantara.

Ayon sa datos ng PSA, sa Bicol region naitala ang pinakamabilis na pagtaas ng inflation sa bansa, na nasa 9 porsiyento. Pinakamabagal naman ang inflation sa Central Luzon.

SITWASYON SA MGA REHIYON
Samantala, ilang nagtitinda at mamimili sa mga rehiyon ang dumadaing na rin sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Sa Angeles City, Pampanga, nag-ambagan sa P200 sina Chris Menoza at isa pang katrabaho niya para makapamalengke ng pagsasaluhang hapunan.
Sampung piso na lang ang natira sa nabili nilang monggo, alamang, ilang pirasong isda, at talong. Kinulang ang budget pambili ng bigas kaya mag-aambagan ulit sila.

Aminado ang dalawa na mahirap mag-budget sa P300 arawang sahod bilang helper mechanic.

"Mataas po [ang presyo], mahirap po. Dahil mababa na 'yung sahod mo tapos mahal pa ng bilihin," hinaing ni Menoza.
"Mataas po [ang presyo], mahirap po. Dahil mababa na 'yung sahod mo tapos mahal pa ng bilihin," hinaing ni Menoza.
ADVERTISEMENT
Ang ilang negosyante sa parehong siyudad, dinidiskartehan na lang ang mga paninda.
Dahil umabot na sa P800 ang kilo ng siling labuyo, nire-repack na lang ito ng tinderang si Mary Jane Pacheco para maibenta ng P10 kada tatlong piraso.

Binawasan naman ng karinderya owner na si Alma Miranda ang kaniyang hinahaing ulam para makasabay sa inflation.

"Di na kami masyadong nagluluto ng sisig. Dahil 'yung sili nga po saka sibuyas mahal," ayon sa ginang.

Ang ilang kostumer naman sa Iligan City, nagbaon na lang ng kanin para ulam na lang ang bibilhin.

Ang isang kainan sa Barangay Palma sa Baguio City, nagtaas ng P2 hanggang P3 sa kanilang mga budget meal at binawasan na rin nila ang takal sa ulam.

Kilala naman ang Cebu sa tinatawag na "puso" o hanging rice, ngunit dahil nagmahal ang bigas, apektado rin ang presyo nito.

Ang ibang nagtitinda, binawasan ang laki ng puso para lang maibenta sa nakasanayang presyo na P3 ang isa.
DI KUNTENTO SA MGA TRABAHO

Pero kasabay ng daing sa pagsipa ng inflation, binibida naman ngayon ng gobyerno ang muling pagbagsak ng unemployment rate noong Hulyo dahil dumarami na umano ang mga trabaho para sa mga Pilipino.
Ngunit dumami rin naman sa parehong buwan ang bilang ng mga underemployed.

Underemployed ang tawag sa mga may trabaho nga pero kinakapos o naghahanap pa rin ng karagdagang pagkakakitaan.

Mula sa 16.3 porsiyento noong Hulyo 2017, umakyat ito sa 17.2 porsiyento noong Hulyo 2018.
Mula sa 16.3 porsiyento noong Hulyo 2017, umakyat ito sa 17.2 porsiyento noong Hulyo 2018.
ADVERTISEMENT
Dahil umaakyat ang presyo ng mga bilihin o inflation, lalong mahihirapan ang mga underemployed, ayon sa isang analyst.

"If your underemployment is increasing, that tells you that a lot of our employees are looking for more work in order to augment their incomes especially in the context of rising inflation that will erode their purchasing power," ani Wilfrido Arcilla, business consultant.

(Indikasyon ang pagtaas ng underemployment na ang mga manggagawa ay kinakapos kaya sila'y naghahanap ng karagdagang pagkakakitaan, lalo pa't sumisipa ang inflation na nagpapalabnaw ng kanilang kapangyarihan bilang konsumer.)

Pero ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, kailangan munang himaying mabuti ang mga numerong ito dahil posibleng mga part- time worker o mga estudyante ang naisama sa datos.

—Ulat nina Jacque Manabat, Trisha Mostoles, at Warren de Guzman, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
TV Patrol
TV Patrol Top
inflation
taas presyo
unemployment
underemployment
konsumer
kostumer
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT