'Presyo ng mga produktong di sakop ng SRP patuloy sa pagtaas' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Presyo ng mga produktong di sakop ng SRP patuloy sa pagtaas'

'Presyo ng mga produktong di sakop ng SRP patuloy sa pagtaas'

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 19, 2022 08:14 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA - Nagpapatuloy ang pagtaas ng presyo ng mga produktong hindi sakop ng suggested retail price sa supermarket, ayon sa grupo ng supermarket owners.

Ayon kay Steven Cua, pinuno ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association, hindi masabi kung hanggang kailan ito mangyayari.

"Very difficult to tell, I don't think anybody can tell, not even the Secretary of Trade and Industry," ani Cua.

Sakop dito ang delata, condiments, noodles, sabon at iba pang gamit sa bahay.

ADVERTISEMENT

Matatandaang nagkakaroon ng taas-presyo sa harap ng epekto ng mga serye ng oil price hikes na dulot ng giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Wala pang pinapayagan ang Department of Trade and Industry na bagong dagdag-presyo sa mga produktong may SRP sa harap ng mga hirit ng taas-presyo mula sa manufacturers.

Hindi umano nila iniipit ang price adjustments dahil lang sa State of the Nation Address ni Bongbong Marcos sa Lunes, ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo.

Humihingi pa ng ilang linggo ang DTI bago hatulan ang hirit na bagong SRP.

"Nagkataon lang na magso-SONA pero di pa rin kami tapos so in the next couple of weeks ay may ilalabas na tayo kung talagang meron tayong ia-approve for price increase," ani Castelo.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.