Inflation bumilis sa 6.1 porsiyento noong Hunyo | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Inflation bumilis sa 6.1 porsiyento noong Hunyo

ABS-CBN News
Published Jul 05, 2022 04:34 PM PHT
|
Updated Jul 05, 2022 11:05 PM PHT

Bumilis ang inflation o pagmahal ng bilihin at serbisyo noong Hunyo, sabi ngayong Martes ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon sa PSA, pumalo sa 6.1 porsiyento ang inflation rate sa bansa noong Hunyo, ang pinakamataas sa loob ng 3 taon.

Tumaas umano ang food inflation sa 6 porsiyento dahil sa pagmahal ng presyo ng karne at manok. Sumipa naman ang transport inflation nang 17.1 porsiyento dahil sa taas ng presyo ng gasolina at pamasahe.

Ayon sa PSA, lumiit lalo ang halaga ng piso kaya mas kaunti ang nabibili ng publiko.

ADVERTISEMENT
"Dahil tumataas [ang] inflation through the years, bumababa 'yong ating purchasing power of peso," sabi ni National Statistician Dennis Mapa.

Sa Mega Q Mart sa Quezon City, tumaas na naman nang P5 hanggang P30 ang presyo ng ilang klase ng gulay.

Narito ang mga presyo:
Narito ang mga presyo:
- Talong - P70 kada kilo mula P50
- Carrots - P90 kada kilo mula P60
- Ampalaya - P90 kada kilo mula P80
- Kamatis - P60 kada kilo mula P40
- Baguio beans - P130 kada kilo mula P120
- Pechay - P70 kada kilo mula P60
- Sayote - P35 kada kilo mula P30

Epekto pa rin umano ito ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo na dagdag-gastos ng mga biyahero, kaya may patong na naman ang mga gulay mula Baguio City, at Tarlac at Pangasinan province.

Hamon ngayon sa mga nagtitinda kung paano babalansehin ang pagkakaroon ng sapat na kita para sa pamilya at pagbibigay ng abot-kayang presyo sa mga suki.

"Kailangan mababa lang ang patong para dito sila kukuha," sabi ng tinderang si Lourdes Caalim.

Ayon sa PSA, hindi pa tapos ang taas-presyo sa mga bilihin dahil sa paghina ng piso at situwasyon sa ibang bansa na nakakaapekto sa pandaigdigang ekonomiya.

— Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT