Ilang magsasaka sa N. Ecija, Pangasinan nag-aatubili nang magtatanim | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang magsasaka sa N. Ecija, Pangasinan nag-aatubili nang magtatanim

Ilang magsasaka sa N. Ecija, Pangasinan nag-aatubili nang magtatanim

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Posibleng mabawasan ang produksiyon ng palay sa susunod na cropping season dahil nagdadalawang-isip umano ang mga magsasaka sa Nueva Ecija at Pangasinan kung magtatanim pa sila.

Kabilang ang 2 probinsiya sa mga malalaking palay producer ng bansa.

Pero posibleng tumigil ang ilang magsasaka sa pagtatanim sa Mayo dahil sa taas ng production cost.

Kabilang umano rito ang fertilizer, pasahod sa manggagawa, at petrolyong magkakaroon ulit ng taas-presyo sa Martes.

ADVERTISEMENT

Ayon sa grupong Pambansang Mannalon, Maguuma, Magbabaul Magsasaka ng Pilipinas (P4MP), 40 porsiyento ng mga magsasakang kasapi nila ang nagpahiwatig ng alinlangan sa pagtatanim.

Problema rin umano ng mga magsasaka ang pabago-bagong panahon kaya hindi nila maasahan ang ulan sa pagtatanim.

"Ang kinatatakutan namin, baka pag nakatanim na kami, wala nang ulan. So gagamit ka ng water pump. Bibili ka ng fuel. Krudo na ang gagamitin mo pagpatubig," sabi ni P4MP President Oftociano Manalo.

"Kung magtanim man ako, 'yong pansarili naming konsumo na lang," dagdag niya.

Hiniling ng grupo sa gobyerno na mabigyan sila ng fuel subsidy, bukod sa mga mangingisda at corn farmers, dahil pare-pareho naman silang apektado ng mga oil price hike.

Nauna na kasing sinabi ng Department of Agriculture (DA) na hiwalay ang programa para sa rice farmers at may nakalaang P5,000 ayuda.

Aminado naman ang DA na hindi lahat ng magsasaka ay maabutan ng ayuda dahil dapat rehistrado sila sa farmers registry at mababa sa 2 ektarya ang sinasaka.

Pero ayon kay Agriculture Assistant Undersecretary Noel Reyes, posibleng mapalawig ang programa.

"May P8.9 billion pa for this year at again, 'yong mga dating nakatanggap na, inuuna na 'yong batch na 2 hectares and below," ani Reyes.

Nakikipag-ugnayan na rin umano ang DA sa China para sa concessional terms para sa loan sa importasyon ng fertilizer.

Apektado kasi ng giyera ng Russia at Ukraine ang produksiyon ng fertilizer kaya tumaas ang presyo.

Sinabi naman ng grupong Anakpawis na mapipilay pa ang sektor ng agrikultura dahil sa panibagong oil price hike.

Ang hindi pagsuspende ng buwis sa langis ay pagpapabaya ng gobyerno sa responsibilidad nito sa publiko, dagdag ng grupo.

— Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.