Presyo ng petrolyo may malaking pagtaas ulit sa Martes, diesel P8.65 ang dagdag | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Presyo ng petrolyo may malaking pagtaas ulit sa Martes, diesel P8.65 ang dagdag

Presyo ng petrolyo may malaking pagtaas ulit sa Martes, diesel P8.65 ang dagdag

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 28, 2022 08:39 PM PHT

Clipboard

Mga motoristang nakapila sa isang gasolinahan sa Mandaluyong City noong Marso 22, 2022. George Calvelo, ABS-CBN News
Mga motoristang nakapila sa isang gasolinahan sa Mandaluyong City noong Marso 22, 2022. George Calvelo, ABS-CBN News

(UPDATE) Halos mababawi agad ang rollback sa presyo ng petrolyo noong nakaraang linggo.

Ito'y matapos ianunsiyo ng mga kompanya ng langis ngayong Lunes na mas malaki pa sa unang tantiya ng mga taga-industriya ang ipapataw na sirit sa presyo sa Martes, Pebrero 29.

Narito ang mga ipatutupad na price adjustment:

Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)
DIESEL +P8.65/L
GASOLINA +P3.40/L
KEROSENE +P9.40/L

ADVERTISEMENT

Shell, Seaoil, Petron, Flying V (Alas-6 ng umaga)
DIESEL +P8.65/L
GASOLINA +P3.40/L
KEROSENE +P9.40/L

Petro Gazz, Unioil, PTT Philippines, Phoenix Petroleum (Alas-6 ng umaga)
DIESEL +P8.65/L
GASOLINA +P3.40/L

Jetti Petroleum
DIESEL MASTER +P8.45/L
ACCELRATE +P3.20/L
JX PREMIUM +P3.20/L

Cleanfuel (Alas-8:01 ng umaga)
DIESEL +P8.65/L
GASOLINA +P3.40/L

Mas malaki umano ang mga price adjustment sa naunang tantiya ng mga taga-industriya na hanggang P8.15 ang taas-presyo sa diesel, P3.15 sa gasolina, at P8.15 sa kerosene.

ADVERTISEMENT

Tumaas ang presyuhan dahil sa umano'y malaking premium at freight costs bunsod ng kakulangan ng supply ng langis.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Bagaman humihingi na ng paliwanag ang Department of Energy (DOE), pare-pareho ang naging price hike advisory ng mga kompanya ng langis.

"Matching is a form of competition," sabi ni Rodela Romero, assistant director ng Oil Industry Management Bureau sa ilalim ng DOE.

"Pagdating sa ground, iba po ang nangyayari, may mga gas station na maliit lang ang in-adjust o 'di kaya kinain na halos ng kanilang discount na ibinibigay," sabi ni Romero.

Kinuwestiyon naman ng grupong Laban Konsyumer ang taas-presyo dahil wala anila sa pricing formula ang premium.

ADVERTISEMENT

Samantala, namumuro ring tumaas ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) sa Abril 1 dahil sa pagtaas ng contract price ng produkto sa world market.

Sakaling matuloy ang dagdag-presyo, maglalaro na sa higit P800 hanggang P1,000 ang bentahan ng regular na tangke ng LPG.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.