PatrolPH

P8 taas-presyo sa diesel, kerosene asahan sa Martes

ABS-CBN News

Posted at Mar 26 2022 05:06 PM | Updated as of Mar 26 2022 09:19 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA - May aasahang taas-presyo sa diesel at kerosene sa Martes na aabot ng P8 kada litro, ayon sa mga taga-industriya. 

Nasa P8 hanggang P8.15 ang aasahang taas-presyo sa gasolina, habang P8.05 hanggang P8.15 naman sa diesel. 

May P3 hanggang P3.15 namang taas-presyong aasahan sa gasolina. 

Paliwanag ng mga taga-industriya, patuloy pa ring kulang ang suplay ng langis sa buong mundo dahil sa hindi pa rin natatapos na giyera sa Ukraine. 

Umaabot na sa halos P20 ang net increase sa diesel simula Enero. 

Halos P15 naman ang itinaas ng gasolina at mahigit P16 sa kerosene. 

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.