PatrolPH

Mga magsasaka problemado sa presyo ng krudo, pataba

ABS-CBN News

Posted at Mar 23 2022 09:29 AM

Watch more on iWantTFC

MANILA – Sa unang pagkakataon nitong 2022, nagpatupad ng rollback sa mga presyo ng mga produktong petrolyo ang mga oil companies nitong Martes.

Pero sa kabila nito, nagtaas naman ang presyo ng bigas.

Tantiya ng isang agriculture group, maaaring tumaas pa nang P3-P4 kada kilo ang presyo ng bigas dahil sa taas ng transportation cost ng mga magsasaka.

“Bale, ano kasi e, yung puhunan na cino-compute ng mga magsasaka ngayon, is based on P52-P57 pa lang ang fuel price na per liter, yung diesel ‘no,” ani Rosendo So ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG). 

“Hindi pa umabot ng P62 tsaka umakyat ng P72. Yung transport cost lang ang binase doon sa P62,” paliwanag niya.

Pero bukod pa rito, dagdag ni So, problema rin ngayon ng mga magsasaka ang presyo ng pataba. 

“Kasi yung world market, itong urea kasi natin, is galing doon sa mga countries na nagproproduce ng oil, so kung last October-December ang presyo nasa P2,500, ito is tataas din. Ngayon ang balita namin, umabot na ng P2,900 yung import price ng urea.”

Nanawagan si So sa pamahalaan na gawin ang makakaya nito para mapigilan ang labis na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

“Kung tuloy-tuloy ang pagtaas ng krudo and hindi matanggal tong excise tax tsaka 12 percent VAT, kailangang ipatong doon sa mga produkto para hindi naman malugi ang ating mga magsasaka,” aniya.

--TeleRadyo, 23 March 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.