NWRB di muna magbabawas ng alokasyon ng tubig mula Angat Dam | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
NWRB di muna magbabawas ng alokasyon ng tubig mula Angat Dam

ABS-CBN News
Published Mar 24, 2022 02:06 PM PHT

MAYNILA - Tiniyak ng National Water Resources Board na hindi muna sila magbabawas ng alokasyon ng tubig kahit patuloy na bumababa ang lebel ng tubig sa Angat Dam.

Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David Jr., ito ay dahil patuloy pa rin ang banta ng COVID-19 at kinakailangang sapat ang suplay ng tubig sa mga kabahayan para mabawasan ang banta ng sakit.

"Alam naman natin ang tubig ang isang makakapagpabagal ng paglaganap [nito] kaya wala po tayong pagbabawas na ginagawa sa ngayon kahit ho medyo mababa ang lebel ng Angat Dam," ani David sa isang panayam sa Teleradyo ngayong Huwebes.

Ayon kay David, nasa 192.48 metro ang taas ng tubig sa Angat Dam, malayo sa high water level nito na 210 meters. Bagay aniya ito na nag-ugat dahil wala masyadong naging pag-ulan noong Disyembre 2021 sa watershed ng dam.

ADVERTISEMENT
"Patuloy pong bumababa ang lebel ng Angat Dam sa ngayon at nasa 192 meters po siya at kaya mula January, nagpaalala tayo na kailangan natin magtipid at wag aksayahin kas ang gsuto natin may magamit tayo sa tag-init," ani David.

Ang critical level ng Angat ay 160 meters habang ang normal operating level nito ay hanggang 180 meters.

Maaalala na nitong mga nakalipas na araw ay nagpasya ang ilang water concessionare na magkaroon ng rotational water interruption schedule sa harap ng nababawasang tubig sa Angat Dam, na pinagkukuhanan ng 90 porsiyenton ng suplay ng tubig ng mga kabahayan at establisimyento sa Metro Manila.

Bukod sa Metro Manila, may nakalaan ding suplay ng tubig ang Angat Dam sa mga farming irrigation site sa Bulacan at Pampanga.

Dahil dito, may ginagawa na rin umanong hakbang ang NWRB para matulungan ang mga magsasakang mangangailangan ng tubig, sa harap ng nabawasang water level sa dam.

"Sa tingin natin na masu-sustain natin ang kasalukuyang mga nakatanim sa Bulacan at Pampanga at tinutulungan namin sila at ang MWSS (Metropolitan Waterworks and Sewerage System) na magamit nang husto na nire-release sa Angat Dam at may binigay na kagamitan ang MWSS para makatulong sa sitwasyon ng Bulacan ng Pampanga," ani David.

Nagsasagawa na rin aniya ng cloud seeding operations ang mga awtoridad sa Angat Dam para makaagapay sa bumababang water level ng dam.

Read More:
Angat Dam
water
National Water Resources Board
Bulacan
Pampanga
Metro Manila
Sevillo David
MWSS
water supply
WalangTubig
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT