Ilang kustomer ng Maynilad, nag-iipon ng tubig dahil sa problema sa suplay | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang kustomer ng Maynilad, nag-iipon ng tubig dahil sa problema sa suplay

Michael Delizo,
ABS-CBN News
Published Mar 20, 2022 05:29 PM PHT
|
Updated Mar 20, 2022 07:00 PM PHT

Kaniya-kaniyang diskarte pa rin ang mga customer ng Maynilad dahil sa patuloy na off-peak water interruption.

Pinalawig ng Maynilad hanggang Abril 1 ang pagputol ng supply ng tubig tuwing disoras ng gabi para maibsan ang mabilis umanong pagkaubos ng tubig sa kanilang reservoir.

Kaya bago pumatak ang 10:00 ng gabi, tinitiyak ni Araceli Mercado na may naka-imbak nang tubig sa bahay.

Mapuputol kasi ang suplay ng tubig sa oras na ito na tatagal hanggang 4:00 ng madaling araw. Mahalaga aniya ang tubig kila kahit disoras ng gabi.

Parehas ang sitwasyon ni Edgar Dizon na nag-iigib nang maaga para may magamit kapag gabi.

“Minsan ‘pag hindi kami nakapag-ipon, meron kaming bisita, wala kaming magamit. Nagi-igib kami.”

Sa advisory ng Maynilad, kailangan pang palawigin ang off-peak daily water service interruptions hanggang Abril 1 para maibsan ang mabilis na pagkaubos ng suplay ng tubig sa mga reservoir bungsod umano ng mataas na demand ngayong tag-init.

Ang nasabing off-peak interruptions ay makakatulong upang makapag-refill ang Maynilad ng kanilang mga reservoir tuwing gabi bilang paghahanda sa mataas na demand tuwing umaga.

Gagamitin ang oras na walang tubig para makapag-refill sa mga reservoir at maihanda ang suplay na gagamitin sa umaga.

“Sinisuguro lang natin na the during peak hours, merong tubig tayong mabibigay kaya hangga’t kaya sa off-peak hours lamang tayo magi-interrupt, from 10 p.m. to 4 a.m ... that way, paggising ng tao sa umaga at gagamit talaga sila ng tubig, kahit papano puno ‘yung reservoirs, may pagkukunan tayo,” ani Jennifer Rufo, corporate communications head ng Maynilad.

Sa Imus, Cavite, imbes na nagpapahinga na ng disoras ng gabi si Michael Melo sa barangay Anabu 1-F, abala pa siya sa paglalaba at paghuhugas ng pinggan.

Alanganing oras kasi ang supply ng tubig sa kanilang lugar.

“Nagkakakatubig kami around 12:30 a.m. hangang 6 a.m., tapos after 6 a.m. onwards wala na kaming tubig. ... Minsan nagkakatubig kami 2 a.m. to 5 a.m. depende sa schedule. minsan totally, wala kaming tubig sa loob ng magdamag. naghihintay talaga ako ng water. Ang laki na nga ng eyebag ko. ... Minsan nga gigising na lang ako ng umaga para kumain. Minsan, ‘di na ko makakain,” aniya

Ayon sa Maynilad, limitado talaga ang suplay ng tubig na dumadating sa Imus, bilang dulo concession area sa Angat dam pa sa Bulacan, kumukuha ng supply ng tubig ang Maynilad.

“Ang Imus, hindi pa naman talaga 24 hours ang supply niyan even under normal circumstances. Every day, meron talaga silang supply availability window na alam naman na ng mga residente diyan at local government unit,” ani Rufo.

Nagsasagawa umano ang Maynilad ng ilang supply augmentation measures para madagdagan ang supply sa mga susunod na linggo habang papainit pa ang panahon.

Pinapayuhan ng Maynilad ang mga customer na pasensyahan, mag-ipon na muna ng sapat na tubig sa oras na available pa ang suplay. Hinihimok din nila ang publiko na maging masinop sa paggamit ng tubig.