Presyo ng ilang klase ng gulay tumaas sa Metro Manila | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Presyo ng ilang klase ng gulay tumaas sa Metro Manila

Presyo ng ilang klase ng gulay tumaas sa Metro Manila

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 27, 2022 07:39 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Tumaas na naman ang presyo ng ilang klase ng gulay sa mga palengke sa Metro Manila.

Sa Maypajo Market sa Caloocan, halimbawa, tumaas nang P10 ang kada kilo ng pechay at talong o P70 mula P60.

Triple naman ang itinaas ng presyo ng Baguio beans at bell pepper, na ngayo'y P300 kada kilo mula P100.

Nasa P100 naman na ang kada kilo ng kamatis mula P60 habang P120 ang kada kilo ng ampalaya mula P70.

ADVERTISEMENT

Magugunitang noong nakaraang linggo rin ay nagtaasan ang presyo ng ilang gulay sa mga pamilihan sa Kamaynilaan.

Gastos sa transportasyon ng mga trader ang isa sa mga sanhi ng taas-presyo sa mga tindahan. Ito'y sa harap ng patuloy na pagmahal ng presyo ng petrolyo.

Dahil dito, naglunsad ng "Kadiwa Stores" ang Department of Agriculture (DA) para ideretso na sa pamilihan ang mga produkto mula sa mga probinsiya.

Mas mababa nang P10 hanggang P20 ang presyuhan sa Kadiwa Stores kompara sa mga palengke at supermarket dahil libre umano ang puwesto, walang middleman at may ilang sinasagot ng DA ang transportasyon.

Sa Legazpi City, tumaas na nang P50 ang presyo ng isda matapos pumalo sa P72 ang kada litro ng gasolina, na idinadaing ng mga maliliit na mangingisda.

Sa Martes, nakatakdang magkasa ng tigil-palaot ang grupo ng mga mangingisdang Pamalakaya.

Ayon kay Pamalakaya Spokesperson Ronnel Arambulo, hindi sapat ang ipinangakong fuel subsidy ng gobyerno para sa mga mangingisda.

"Kulang po 'yan dahil bugbog na bugbog na kami dahil sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng langis," ani Arambulo.

Nagbabala rin ang grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas sa posibilidad ng malawakang taggutom at kakulangan ng pagkain sa bansa dahil hirap na ang mga magsasaka sa presyo ng langis at mga bilihin.

— Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.