ALAMIN: Malaking oil price hike sa Marso 15 | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Malaking oil price hike sa Marso 15

ABS-CBN News
Published Mar 14, 2022 12:57 PM PHT
|
Updated Mar 15, 2022 04:44 PM PHT

(UPDATE) Muling magkakaroon ng malaking pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa Martes, ang ika-11 sunod na linggong nagkaroon ng oil price hike.

Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya:

Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)
DIESEL P13.15/L
GASOLINA P7.10/L
KEROSENE P10.50/L
Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)
DIESEL P13.15/L
GASOLINA P7.10/L
KEROSENE P10.50/L
Cleanfuel (Alas-12:01 ng hatinggabi)
DIESEL P13.15/L
GASOLINA P7.10/L
Cleanfuel (Alas-12:01 ng hatinggabi)
DIESEL P13.15/L
GASOLINA P7.10/L
ADVERTISEMENT
Shell
DIESEL P13.15/L
GASOLINA P7.10/L
KEROSENE P10.50/L
Shell
DIESEL P13.15/L
GASOLINA P7.10/L
KEROSENE P10.50/L
Petron, Flying V, Seaoil (Alas-6 ng umaga)

PTT Philippines (Alas-6 ng umaga)
DIESEL P13.15/L
GASOLINA P7.10/L
PTT Philippines (Alas-6 ng umaga)
DIESEL P13.15/L
GASOLINA P7.10/L
Petro Gazz (Alas-6 ng umaga)
DIESEL P3.50/L
GASOLINA P6.50/L
Petro Gazz (Alas-6 ng umaga)
DIESEL P3.50/L
GASOLINA P6.50/L
Nitong umaga ng Lunes, naghanap ng paliwanag ang Department of Energy kung bakit lumobo pa sa P13 ang dagdag sa diesel, mas mataas sa naunang tantiyang hanggang P12.

"Lahat ng justification, tinitingnan namin kung katanggap-tanggap po ba sa malaking adjustment," sabi ni Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero.

Dumami ang nagpakarga ng kanilang mga sasakyan bago pa ianunsiyo ang big-time oil price hike. Ang ibang motorista'y nagdala ng mga galon o container para lang makaimbak bago pa tumaas.

Pero ipinayo ni Romero na huwag nang mag-imbak dahil delikado at baka makaapekto sa supply.

Hindi naman aniya bawal ang container basta sumunod sa standards.

"'Yong panic buying po ang iwasan natin. Sa ngayon, ina-assure naman natin na mayroong supply ng fuel products," ani Romero.

"Huwag naman nating abusuhin, ang bilhin natin 'yong sapat lang sa atin kasi 'pag nag-imbak tayo, baka magkaproblema sa supply," dagdag niya.

Pero ayon sa ilang eksperto, mas mainam na hati-hatiin ang dagdag-presyo bilang konsiderasyon sa mga motorista.

Para naman kay Energy Secretary Alfonso Cusi, bahala na ang mga oil company sa presyuhan dahil wala namang kontrol dito ang gobyerno at magtipid na lang sana sa paggamit ng langis ang publiko.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
RELATED VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT