Gulay may taas-presyo sa ilang pamilihan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Gulay may taas-presyo sa ilang pamilihan

Gulay may taas-presyo sa ilang pamilihan

Lady Vicencio,

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 07, 2022 07:22 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

(UPDATE) Tumaas ang presyo ng ilang gulay sa ilang pamilihan sa Metro Manila bunsod ng patuloy na pagmahal ng presyo ng petrolyo.

Sa Murphy Market sa Quezon City, halimbawa, nasa P20 hanggang P40 ang itinaas ng presyo ng ilang klase ng gulay pero mayroon ding hanggang P100 ang iminahal.

  • Repolyo - P120 mula P80
  • Carrots - P90 mula P60
  • Sayote - P50 mula P30
  • Ampalaya - P150 mula P80
  • Kamatis - P60 mula P40
  • Cauliflower - P250 mula 150
  • Broccoli - P250 mula 150

Ayon sa mga nagtitinda, nabawasan kasi ang mga biyahero ng gulay bunsod ng 9 na sunod-sunod na linggong pagmahal ng presyo ng petrolyo.

Galing pa umano sa mga malalayong probinsiya tulad ng Benguet, Nueva Ecija at Pangasinan ang mga gulay.

ADVERTISEMENT

Inaasahang tataas pa ang presyo ng mga bilihin sa mga susunod na araw dahil sa malaking oil price hike sa Martes, Marso 8.

Nilinaw naman ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi pa mararamdaman ng merkado sa Pilipinas ang epekto ng gusot sa pagitan ng Russia at Ukraine.

"Hindi pa po 'yan immediate, hindi pa 'yan sa ngayon. We're looking at the next three months bago po mag-epekto 'yong nangyayari sa Europe, dito sa ating bansa," ani Trade Undersecretary Ruth Castelo.

Suportado naman ng DTI ang pag-imbak ng agricultural products pati imported na karne.

"Pinag-uusapan na namin dito sa DTI na kung puwede na tayong mag-stockpile ng agricultural products like frozen pork at frozen meat, mga imported siya, and chicken," ani Castelo.

"Marami tayong poultry supply dito pero puwede na tayong mag-umpisang mag-stockpile," dagdag niya.

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P24 bilyon na food security budget ng Department of Agriculture para matugunan ang posibleng epekto sa supply sa pagkain dahil sa problema sa Russia at Ukraine.

RELATED VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

-- Lady Vicencio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.